Kinagabihan pinuntahan sila nina Jerry at Mia sa room nila, para yayahin sa Bridal shower para sa kanya at Bachelor Party naman kay Gavin. Nahihiya naman tumanggi si Gavin. Dahil sa nangyari kanina sa Balcony nawala na sa mood si Gavin. Gusto na nga nitong umuwi kanina, pinigilan lang nya, dahil nakakahiya sa mga kaibigan nito. Sinabihan nalang nya ang asawa na huwag nalang pansinin ang pang-aasar ni Mike. Pumayag naman itong mag stay pa sila basta iwasan daw nya si Mike. Kahit hindi naman sabihin ng asawa yon ay iiwasan talaga nya si Mike. Dahil nakakaramdam sya ng takot mula kay Mike, ayaw nya ang mga titig nito sa kanya, tila sya minamanyak nito kung titignan. Pero hindi na nya sinabi kay Gavin yon baka kung ano pa ang gawin ng asawa. "A-aattend kame" sagot ni Gavin sa soon to be husba