"What are you doing here alone?" tanong ni Mike habang palapit sa kanya. Nagkibit balikat sya. Katatapos lang ang bangayan nila ni Sabrina at ngayon naman eto naman si Mike. Kailan ba matatapos ito? "Alam ba ni Gavin na narito ka at mag-isa?" tanong nito. Nanatili syang hindi kumikibo. Liningon nya ang paligid. Nais sana nyang masolo ang ganda ng gabi, pero mukha hindi nya magagawa yon dahil sa presensya ni Mike. "Aakyat na ko" sabi nya at lalagpasan na sana nya si Mike ng pigilan sya nito sa braso. "Not so fast Mrs. Saavedra" nakangising sabi nito at nagbuga ng usok sa mukha nya. Agad nyang binawi ang braso mula kay Mike at umatras ng ilang akbang para makalayo rito. "Why don't you join me, kahit ngayong gabi lang. Tutal busy naman si Gavin ngayon, and hindi naman nya malalaman pa" na