Mahigpit ang hawak sa kanya ni Gavin habang naglalakad papunta sa silid nila. Mabilis din ang bawat hakbang nito. “Gavin,” tawag niya rito. Pero nagtuloy lang ito sa paghila sa kanya hanggang sa makarating sila sa kwarto. “Gavin!” inis na sabi niya sabay bawi sa braso niyang hawak nito. Nang nasa loob na sila ng silid, “What?!” galit na tanong nito at liningon siya. “Anong ibig sabihin 'non, ah? Anong ibig sabihin ng mga sinabi mo kay Mike?” lakas-loob na tanong niya. Nais niyang malaman ang totoo. May karapatan siyang malaman ang totoo. “Anong ginagawa mo sa labas, Ellise? At bakit wala ka sa silid ni Mia?” galit na tanong nito. Hindi pinansin ang tanong niya. “Sagutin mo muna ang tanong ko!” inis na sagot niya at tinulak ito sa dibdib. Hindi man ito natinag. “Anong ibig

