Matapos ang pag-uusap nila ni Aya, agad siyang lumabas ng silid at nagmamadaling pumunta sa kabilang silid kung nasaan si Gavin. “Gavin!” tawag niya at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa loob ng silid. Natigilan siya nang maaktuhan na nagtataas ng jogger pants si Gavin, at wala na itong damit pang-itaas. Nakatingin ito sa kanya habang itinataas ang jogger pants nito. Hindi naman niya alam kung saan ibaling ang tingin. Nahihiya siyang makita si Gavin na halos hubad na. Bakit kasi hindi muna siya kumatok? “Why? Do you need anything, Ellise?” tanong nito matapos matali ang suot na jogger pants. “Ah... eh...” hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Naiilang siyang makitang shirtless si Gavin. Kahit hindi naman ito ang first time na makita niyang walang damit ito, ewan niya pero tila kumakab

