Pagsakay sa kotse, wala silang kibo pareho ni Gavin. Sa restaurant pa lang, nainis na siya rito. Naiinis siya dahil nais siya nitong gamitin para lang burahin si Sabrina sa buhay nito. Naiinis siya dahil nais lang siya nitong gamitin laban kay Sabrina. At handa itong gumastos ng malaki para sa pekeng kasal nila. Lahat ng iyon ay para lang mabura nito si Sabrina. Inis siyang lumingon dito na nakaupo sa tabi. Walang ekspresyon ang mukha, deretso ang tingin nito sa unahan. Bumuntong-hininga siya. Lumingon sa kanya si Gavin, marahil narinig ang mabigat niyang buntong-hininga. “What's that for?” he asked. “Nothing!” matigas na sagot niya, at tumingin sa labas ng bintana. Naiinis siya at nais niyang magwala, dahil sa mga ginagawa ni Gavin para kay Sabrina ay nakakaramdam siya ng selos.

