Matapos nilang mamili ng mga kailangan niyang gamit, niyaya siya ni Gavin na kumain muna. Hindi naman na siya tumanggi pa. Isa pa, gusto niya ang atensyon na nakukuha niya mula sa mga taong napapatingin sa kanila ni Gavin. Alam niyang umaagaw ng atensyon si Gavin sa mga kababaihan, at proud siya dahil siya ang kasama ni Gavin. “Anything you want?” tanong ni Gavin matapos makapag-order ng pagkain, sa mamahaling restaurant sa loob ng Saavedra Mall. “Nothing,” tipid na sagot niya at ngumiti rito ng malambing. Napansin niyang medyo kumunot ang noo ni Gavin. “Why?” kunot-noong tanong nito. “Wala naman,” nakangiting sagot niya. Pansin kasi niya ang dalawang babaeng panay ang sulyap kay Gavin at pagpapa-cute kay Gavin. “Anyway, how’s your family? Your Dad?” tanong nito, na medyo kinag

