Pagbaba niya ng hagdan, naningkit ang mga mata ni Gavin nang makita ang suot niya. Tanging puting T-shirt ni Gavin. Walang bra. Tanging puting T-shirt at undies lang. “What are you wearing?” kunot-noong tanong nito. May galit sa tinig. Nagtaas siya ng kilay, at nagtuloy sa pagbaba ng hagdan. “Your shirt,” taas-kilay na sagot niya nang makababa ng hagdan. “Damn,” mura nito. Sinulyapan siya ni Gavin mula ulo hanggang paa, at bumalik ang tingin sa mga dibdib niyang alam niyang halos kitang-kita na sa suot na puting T-shirt. “I have nothing to wear,” sambit niya, sabay pikit ng mga mata. “And you think I will allow you to go out wearing that piece of shirt of mine? Na halos wala nang natatakpan sa iyo?” litanya nito, at tinuro ang mga binti niyang naka-expose. Sakto lang kasing u

