Heira's POV;
NASA loob ng kwarto namin sila Phoebecate at Maezy. Aliw na aliw sila habang pinagmamasdan ang bago naming Anghel.
"Ang ganda ng Anak nyo ni John Ace. Nagmana sa Daddy niya."
"Korek ka dyan Maezy. Tingnan mo may dimples din si baby."
"Trademark na yata ng mga Santiago ang pagkakaroon nila ng dimples so Cute." Sagot pa ni Maezy.
"Ano nga pala ang name ng baby nyo Heira?" Tanong ni Phoebecate.
Tumaas ang kilay ko. "Wow! Naalala nyo pa ako. Akala ko hindi nyo ako maalala eh. Para kasing wala ako. Isa pa anak ko po yan."
"Nagtataka nga kami Heira. Wala man lang sayong nakuha. Ang swerte talaga ng baby mo nakuha niya lahat sa Daddy niya dahil kung ikaw ang kamukha? Tsk! Tsk! Disaster."
"Araayy!!"
Binatukan ko kasi si Phoebecate sa sobrang inis ko. "Grabe! Makapanglait sakin."
"Nagbibiro lang naman ako." Sabay halakhak nilang dalawa.
Umingos ako. "Tse! Mga bruha!"
"Anong pangalan niya Heira?"
" Jeyrin Heice Chuaford Santiago si Dark ang nagbigay ng pangalan niyan. Gusto ko sana Sofia andrea or Queen Elijah. Kaya lang matagal na niyang pinag-isipan yan e."
"Maganda naman ang Jeyrin Heice kinuha sa pangalan nyong dalawa. Mukhang mabait ang pangalan. Sana wag siyang gumaya sa Tita niyang si Jhoace to the maximum level ang kamalditahan." Ani Maezy.
"Nagbago na si Jhoace ngayon diba?" Tanong ko.
"Maybe ang pagiging maldita ni Jhoace ay parang Bagyo? Minsan lang dumating pero matindi ang nagiging epekto."
Humalakhak silang dalawa.
"I heard my name!"
Biglang naputol ang pagtawa nilang dalawa at napalitan ng takot. Natawa naman ako sa itsura nila.
"J-jhoace. Kanina ka pa?" Tanong ni Phoebecate.
Nakataas pa ang kilay ni Jhoace ng lumapit sa dalawa. "Kanina pa bakit?"
"H-ha?"
Lumapit si Jhoace kay Baby Jeyrin. "Ang cute talaga ng pamangkin ko."
"Mabuti na lang nasa mood si Jhoace."
"Oo nga bakla. Kung hindi nasabunutan na tayo niyan."
Pinipigilan kong wag tumawa matapos kong marinig ang pinagbubulungan ng mga kaibigan ko.
"Heira. Uuwi na kaming dalawa ni Maezy."
Tinapunan sila ng masamang tingin ni Jhoace. "Subukan nyong umuwi? Hindi na kayo makakatungtong dito sa mansion!"
Nagkatinginan ang dalawa tapos ngumiti kay Jhoace. "Nagbibiro lang kami. Diba? Heira." Ani Maezy.
"Oo palabiro sila Jhoace."
"Good! Darating sila Brent dito ngayon. May fodtrip tayo ngayon." Sabi pa ni Jhoace.
Nanglingunin ko ang dalawa abot hanggang utak ang mga ngiti nila nang marinig na darating ang mga casanova.
"Sabi ko sayo Maezy e, hindi ako nagkamali ng sabihin ko sayong pumunta tayo ngayon."
"Oo na naniniwala na ako sayo."
"Kapag nagkaroon ako ng baby isusunod ko sa pangalan ni Clarence Miguel." Sabi pa ni Jhoace habang aliw na aliw sa anak namin. Habang natutulog kasi ito tumatagilid na sa paghiga kapag binabalik namin sa pagkakahiga tumatagilid ito ulit.
"Ate Heira! Tingnan mo si Jeyrin Heice baby pa lang makulit na. Manang-mana kay Kuya."
Ngumiti ako habang pinagmamasdan ko ang munting anghel namin. "Kahit gaano pa siya kakulit mahal na mahal ko siya."
RINIG-RINIG ko ang ingay sa baba. Nagkakatahan na kasi sila do'n. Completo silang lahat nandoon si Shawn at Yaya Chedeng ang nagluluto ng pagkain nila. Kanina ang gulo dito sa loob ng kwarto namin ni Dark. Dahil sabay-sabay silang ngsipasok sa loob. Aliw na aliw sila kay Jeyrin Heice. Lahat sila nag prisintang maging Ninong at Ninang ng anak namin ni Dark.
Nakahiga ako sa tabi ni Jeyrin Heice habang mahimbing itong natutulog nang bumukas ang pintuan nakangiting si John Ace ang pumasok sa loob humiga at tumabi saming dalawa ni Baby.
"Bakit nandito ka Dark? Nasa labas ang mga kaibigan natin."
"Sinisilip ko lang kayong dalawa ni Baby nami-miss ko agad kayo eh."
"Ang sweet naman Daddy mo baby."
"Syempre love ko kayong dalawa. Hippo bakit hindi ka bumaba saglit. Nandon sila Maezy magtatampo sila sayo hindi ka lumalabas."
"Ako pa talaga Dark? Hindi ako ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon. Ang mga boyfriend nila kaya okay lang na wala ako do'n sa baba."
"Kumain ka muna ako ang magbabantay kay baby."
Magsasalita pa sana ako nang biglang umiyak si Baby. Itinaas ko ang suot kong damit at pinadede ko ito sa Breast ko. Sabi kasi ni Nanay mas maganda daw na gatas ng Nanay ang pinapadede sa anak lalo na kung nasa bahay lang naman. Nakangiti ako habang ang takaw na dumede ni Baby
"Nagugutom din ako Asawa ko kailangan ko din ng Gatas mo. Pa-breast feed din." Ngumiti pa siya habang nakakalokong tumingin sakin.
Biglang nagkulay kamatis ang mukha ko sa sinabi niya. Nakakagawa pa talaga ng kalokohan itong si Dark.
"Kulang pa ito kay Baby wag mong agawan si Baby ng gatas."
Tumawa si Dark sakin. Aliw na aliw talaga ito kapag nakikita niyang namumula ako sa sobrang hiya. "Sige mamaya na lang Asawa ko. Mamaya mo na lang ako i-breast feed." Kumindat pa siya sakin.
"Ouch!"
Binato ko kasi sa kanya ang nahawakan kong alcohol sa sobrang inis ko. "Buti yan sayo!"
"Hippo baka matamaan si Jeyrin Heice."
"Ikaw kasi eh. Ang manyak mo!"
"Nagbibiro lang naman ako kung makakalusot sayo."
"Ewan ko sayo magtatatlong linggo pa lang akong nakapanganak gusto mo agad makipagbasketball sarap mong sapakin."
Humalakhak siya sakin. "Lalo kitang minamahal Hippo. I love the way you are."
Tingnan mo itong si Dark makapag the moves sakin. Pinakikikilig talaga niya ako.
"Dark come here!" Tawag ko sa kanya.
Lumipat siya ng pwesto at niyakap niya ako ng mahigpit. "What is that my Wife?" He said in a sexy tone. Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. " I'm happy to have such an amazing and caring Husband. Thank you and I love you."
Nakangiti siya ng tumingin sakin. "Galing kay google?"
Umiling ako. "Galing siya dito oh!" Tinuro ko pa ang puso ko sa kanya. Kitang-kita ko tuloy ang lapad ng pagkakangiti niya.
"Without you as my wife. Life would not be complete. Thank you for completing me. I love you most Asawa ko. I love you both." Naramdaman ko ang paglapat ng halik niya sakin. Tumugon na lang ako sa kanya. Matagal kong hindi natikman ito.
"Ayyy! Palakang Lasing!!"
Bigla kaming kumalas sa pagkakayakap at naputol ang kissing moment naming dalawa.
"Yaya Chedeng bakit hindi po kayo kumatok?" Sabi ni Dark na makarecover sa pagkakabigla. Ako nanatiling nakayuko.
"Bukas po kasi ang pintuan Senyorito. Patawad kung naputol ang tukaan nyo."
"Yaya naman e!"
"Natural na yan sa. Mag-asawa Senyorito John Ace. Manang-mana ka talaga sa Daddy mo."
"Ano po ba ang kailangan nyo?"
"Pinapunta ako ni Senyorito Shawn dito. Sabi niya lumabas na daw kayong dalawa ako na muna ang magbabantay ka Baby. Pero kung may gagawin pa kayong dalawa babalik na lang ako mamaya."
Pulang-pula ang mukha ko sa huling sinabi ni Yaya Chedeng. Alam ko kasi ang ibig niyang sabihin. Ito kasing si Dark inaakit ako alam naman niyang madali akong matukso.
"Wala na po kaming gagawin ni Heira. Hinalikan ko lang talaga siya dahil namiss ko na ang asawa ko Yaya. Let's go Asawa ko si Yaya muna ang magbabantay kay Jeyrin Heice."
Hinawakan pa niya ang kamay ko. Hinalikan ko sa kamay ang baby namin bago kami tuluyang lumabas ng kwarto.
Minsan madarama mo kay bigat ng problema. Minsan mahihirapan ka at masasabing ?di ko makakaya? Tumingin ka lang sa langit. Baka sakaling may masumpungan..
Hawak kamay ang kinakanta ni Maezy katabi niya ang boyfriend niya habang magkahawak ang kamay nilang dalawa. Umupo kaming dalawa ni John Ace pinasadahan ko ng tingin ang mga bisita namin. Napansin kong partner-partner sila. Si Shin at Matt. Si Maezy at Brent, si Phoebecate at Zach, si Clark Tristan at Ate Samantha, si Jhoace at Clarence Miguel. "Dark may sasabihin ako sayo?"
"Hmmm.. Ano 'yon? Mamaya na lang tayo gumawa ng baby kapag wala na sila." Biro nito.
Kinurot ko ito sa tagiliran. "Hindi yon! Puro ka kalokohan e, tingnan mo sila oh!" Turo ko kay Ljdale at Denverd Claide.
"Oh? Anong meron sa kanila?"
"Girlfriend na ba ni Lj Dale si Faye Erika at si Lucy para kay Denver?"
"Hindi ko alam at kung sila nga. Masaya ako para sa kanila."
"Ngayon ko lang kasi napansin na kasama nila ang kaaway ni Jhoace sa SPIA."
"May milagrong nangyari kaya sila nagkakabati-bati. Wag na natin silang intindihin as long na wala silang ginagawang masama satin."
"Tama! Ang mahalaga masaya tayo."
"John Ace kumanta kana naman!" Sabi 'yon ni Clark.
"Sure kakanta lang pala game ako dyan!" Tumayo si Dark tapos nagpalakpakan silang lahat. Nakaramdam ako ng excitement dahil maririnig ko si Dark na kumanta.
"Asawa ko itong kanta ko ay para sayo. I'm your's."
Nagpalakpakan silang lahat habang ako hindi na mapakali.
Well you done done me and you bet I felt it. I tried to be chill but you're so hot that I melted. I fell right through the cracks. And now I'm trying to get back..
"OMG! Ang ganda ng boses ng asawa ko! Kyaah!"
"Magaling palang kumanta si John Ace." Narinig kong sabi nila.
Nakatulala ako kay Dark habang kumakanta siya. Kinikindatan niya ako sa kapag tumitingin siya sakin. Hanggang sa hilahin niya ako at yakapin habang kumakanta siya hindi ko na maipaliwanag ang kilig na nararamdaman ko. Kulang na lang pugpugin ko siya ng halik. Ang bilis ng t***k ng puso ko parang noong una kaming magkita ganitong-ganito ang nararamdaman ko.
"Take your shirt off!"
"Take your shirt off!"
Sigawan ng mga kaibigan namin. Aliw na aliw sila na gusto nilang pagkatuwaan kami. Game na game naman si John Ace. Walang sabi-sabing hinubad niya ang t'shirt niya.
Well open up your mind and see like me. Open up your plans and d*** you're free. Look into your heart and you'll find love love love..
Nagsigawan sila samantalang ako napamura sa sobrang kilig. "Sobrang Hot!" Sabi ko habang nakatulala ako sa kanya. Hinawakan ni John Ace ang kamay ko at idikit niya sa dibdib ko. Pakiramdam ko lalagnatin na ako sa nararamdaman ko. Hindi ko napigilang magnose bleed. Kasunod noon ay pagkawala ng malay ko. "Sayang!" Yan ang huling sumagi sa isip ko.
"Hippo! Wake up!"
Yon ang huling boses na narinig ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay.