Khyzzer Ace POV
NAKAHALUKIPKIP pa ang kamay ko at nakadikwatro ako. Habang nakaupo sa malambot na upuan. Nasa isang Sikat na Restaurant ako at hinihintay ang especial na bisita. Sinadya ko pa nasa VIP room ako mag paserve upang maayos kaming makapag-usap.
"I'm sorry! I'm late."
Tumingala ako, matangkad at matapang ang Aura ng mukha niya. Halata sa mukha niya ang pagiging maldita. Maganda siya pero mas maganda si Heira. Umayos ako ng pagkaka-upo.
"You are Faye Erika Lim?"
"Yes!"
Tumayo ako at pinaghila ko pa siya ng upuan. "How are you Lovely Lady"
"I'm doing Fine!"
"That's good. Let's eat first."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Khyzzer Right? Magprakahan na tayo. Anong kailangan mo sakin?"
"Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa gwapong katulad ko?"
Inirapan niya ako. "I hate drugs!"
"Wait!" Tatayo na sana sya pinigilan ko lang.
"Fine! Now tell me!"
"I need your help." Panimula ko.
"Help?" Nakataas pa ang kilay niya sakin.
Tumango ako. "Yes! I need your help. I want to get heira. I want to get her back."
Humalalhak siya sakin. "That's a stupid Words I've heard. Wala kang magagawa sa kanilang dalawa. Mahal nila ang isa't-isa. Nagawa ko noon na sirain sila dahil kay John Ace. Naniwala kasi ako sa pangako nila sa Lolo at Lola ko na ako ang pakakasalan ni John Ace. Hindi ko matanggap na may iba siyang mamahalin. Pinaglaban ko ang feelings ko. Pero nabigo ako. Napahiya at nagmukhang tanga! Ikaw gusto mong mangyari yon sayo?"
"Hindi ganyan ang plano ko. Kukunin ko lang ang pag-aari ko."
"Haha! Ngayon ko lang napatunayan na nakakabaliw talaga ang magmahal sa maling tao. Parang nakikita ko na ang sarili ko sayo noon."
"I don't care! Help me! Babayaran kita kahit magkano."
Tinitigan niya ako. "Really babayaran mo ako?"
"Yes! Name it!"
"Gusto ko lahat ng kayamanan mo ibayad mo sakin."
"Psh! Insane."
"See? Hindi mo kayang ibigay lahat ng kayaman mo sakin? Ibig sabihin hindi pagmamahal ang nararamdaman mo para sa kanya."
"Sino ka para magsabi sakin niyan?"
Ngumiti siya sakin. "Ako si Faye Erika. Nagmahal, Lumaban, nasaktan, nagmove on at ngayon masaya na! Dapat ngayon pa lang tanggapin mo na lang na talo ka."
"No way!"
"Mag-asawa na sila. Wala kang magagawa."
"Mag-asawa ngayon naagaw pa. At kayang-kaya kong paghiwalayin sila."
"Kung gano'n! Hindi ako ang tamang tao na makakatulong sayo. Dahil hindi na ako naghahabol sa dalawa." Tumayo siya. "Goodluck! Sana magawa mo ang gusto mo. At kung magagawa mo 'yon. Talunan ka parin! Alam mo ba kung bakit? Maari mo siyang makuha pero hindi ang puso niya sa huli talunan ka parin." Sabay talikod niya sakin.
Napatiklop ang kamao ko. Sinayang ko lang ang oras ko sa walang kwentang babaing yon.
"Bullshit!"
Tumayo ako at umalis sa lugar na iyon. Kailangan ko ng taong makakatulong sakin para masira ko ang relasyon nila heira at John Ace. Tinawagan ko ang secret agent na inupahan ko. Umupa ako ng secret agent upang makakuha ng information tungkol kay John Ace. Pinababantayan ko din ng mabuti si John Ace kung may iba itong ginagawa na maaring maging kasiraan kay John Ace.
"Sir, nasa Amerika po si John Ace ngayon. Wala pong kasama si Miss Heira."
"Nasaan siya ngayon?"
"Nasa bahay siya ngayon ng Nanay niya. Napag-alaman kong doon siya hangga't hindi umuuwi si Mr John Ace Santiago."
Nakaramdam ako ng tuwa. Magkakaroon kasi ako ng pagkakataong makalapit sa kanya. Kapag nandyan kasi si John Ace. Bantay sarado si Heira.
"Maraming salamat sa information."
"May maganda pa po akong balita sa inyo. Siguradong ikakatuwa ninyo 'yon."
"Ano yon?"
"Personal ko po sa inyong sasabihin kapag nagkita tayo. At dahil magandang balita ito para sa inyo kailangan nyong magdagdag ng ibabayad sakin."
"Walang problema sa pagbabayad ko. Basta siguraduhin mo lang na maganda yan."
"Opo!"
"Sige pumunta ka sa office ko bukas ng alas otso ng umaga."
"Salamat Sir."
Pagkatapos kong makipag-usap sa secret Agent ko. Mabilis kong pinaharurut ang sasakyan pabalik sa lugar namin.
BITBIT ko ang isang box na cake with Ice cReam at bulaklak nang nasa tapat na ako ng Pintuan ng bahay nila Heira. Malaki na ang pinagbago ng bahay nila Heira. Sementado na ang loob at labas ng bahay nila. May pinturang Kulay pink at apple green. Puro tiles na din ang bahay nila. Nag door bell ako.
"Kuya Khyzzer?"
"Kamusta na Hairu?"
"Okay naman po kuya. Napadalaw ka?"
"Si Ate Heira mo."
"Ha? Pero kuya ano kasi e,"
"Hanggang dito ba? Pinagbabawalan ako ng Bayaw mong lumapit sa Ate mo."
Yumuko si Hairu. "Sorry kuya Khyzzer. Napag-utusan lang ako."
"Gusto ko lang dalawin ang bestfriend ko."
"Pero kuya kasi...
"Papasukin mo na siya Hairu."
Ngumiti ako. "Thanks Nay Adrianna."
Pailing-iling si Hairu ng niluwagan niya ang pagkakahawak niya sa pintuan. Tapos pumasok na ako.
"Nasa sala si Heira nilalaro ang baby niya." Sabad ni Nanay Adrianna.
"Salamat po."
Agad akong nagtungo sa sala nila at nakita ko si Heira na abala sa pagkikipag-usap sa baby niya. Ngumiti ako ng makita ko siya. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Heira. Gumanda na siya ngayon at pumuti. Lumapit ako sa kanya.
"Hi!" Tipid kong bati sa kanya.
Tumaas ang kilay niya. "Anong ginagawa mo dito Khyzzer Ace?"
"Dinadalaw ang bestfriend ko."
Bumungtong-hininga siya. "Hindi na tayo katulad ng dati Khyzzer Ace. May asawa na ako at mahal na mahal ko si John Ace."
Kuyom ang kamao ko at napalunok pa ako dahil sa matinding inis. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. "Tanggap kong may iba kang mahal. Tanggap ko na! Hindi tayo para sa isa't-isa."
Yumuko siya. "I'm sorry!"
Pinagmasdan ko ang magandang anak nila. "Mabuti na lang pala at nagmana sa Daddy ang anak mo at hindi sayo nagmana."
Sumimangot siya sakin. "Anong gusto mong palabasin na panget ako gano'n ba?"
"Haha! Hindi naman ang ganda mo nge e, kaya lang mas maganda na talaga kung si John Ace ang kamukha."
"Hmpt! Ganyan ka naman e, wala kang bilib sa ganda ko."
"Kung alam mo lang besfriend. Noon pa man ikaw lang ang maganda sa paningin ko."
"Ano ba yang dala mo?"
Saka ko lang napansin ang hawak-hawak kong pagkain. "Cake at chocolate."
"Kainin na natin yan!" Tumayo siya. "Pakibantayan ang anak ko kukuha lang ako ng plato at kutsara at tubig."
"Sige! Pagbalik mo kamukha ko na ang anak mo."
"Haha! Ako nga palagi ko syang kasama hindi ko nagiging kamukha. Saglit lang ha!" Tapos umalis na ito.
"Hello baby ako nga pala ang Daddy mo. Ang magiging Daddy mo soon. Dahil ang Mommy mo at ako ay magkakatuluyan soon."
Marahan kong hinawakan ang maliit na kamay ni Baby. Tapos umiyak ito ng umiyak.
"Baby! Wag kang umiyak ayaw mo ba akong maging Daddy!" Sabi ko pa.
"Oh! Bakit umiiyak si Baby?"
"Ayaw yata sa gwapo."
Ipinatong ni Heira ang dala-dala niyang plato at kutsara.
"Gutom kana ba? Baby." Nagulat na lang ako nang bigla niyang tinaas ang suot niyang damit at pina breast feed niya.
"s**t!"
Pakiramdam ko nag-aapoy ang buo kong katawan dahil sa nakita ko. Bigla kong iniwas ang tingin ko kay Heira. Pulang-pula ang mukha. Nakita ko kasi ang breast ni Heira burn!
"Ayy! Sorry! Nakalimutan kong nandyan ka pala." Mabilis niyang tinakpan ng bimbo ang breast niya.
"It's okay wala naman akong nakita." Alibay ko.
"Sabi kasi ni Nanay. I-breast.feed ko daw ang anak ko hangga't hindi pa ako bumabalik sa School. Para daw hanap-hanapin niya ako. At maging malusog si Baby."
"Gano'n ba that's better."
"Mabilis lang ito maya-maya lang tulog na si Baby."
"Sige hihintayin kita."
Matapos ang ilang minuto nakatulog na si Baby. Hindi parin mawala sa isip ko ang nakita ko at sa tuwing naaalala ko 'yon nag-iinit ang mukha ko.
"Kamusta ka pala sa Amerika? Mabait ba ang tunay mong magulang Bestfriend?" Tanong niya sakin. Habang kumakain kami ng dinala kong cake.
"Sobrang bait ng Mommy ko. Sinikap niyang punuan ang mga taon na wala siya sa tabi ko."
"Mabuti naman kung gano'n. Ako masaya na ngayon. After two months babalik na ulit ako sa pag-aaral."
"Mabuti yan para sayo. Dapat magsikap ka din sa pag-aaral mo. Wag kang umasa sa asawa mo."
"Syempre naman! Kailangan may ipagmalaki din ako sa asawa ko. Magsisikap ako para sa anak ko."
"Good!" Tapos muli akong nag slice ng cake at kinain ko 'yon. Napahinto ako ng mapansin kong nakatitig siya sakin. "Something wrong?"
Kumalabog ang dibdib ko ng bigla siyang lumapit sakin at mabilis na hinawakan ang labi ko. "May dumi ka pa sa labi
Kahit talaga kelan para kang bata kumain."
Huminga ako ng malalim. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Kahit simple lang yon. Pinilit kong maging normal ang lahat. Kahit na nga gustong-gusto ko ng hilahin at siilin ng halik si Heira
Kailangan kong makuhang muli ang tiwala niya sakin.
"P-pareho lang tayong isip bata."
"Nag matured na ako Besfriend."
"Hindi halata sayo Irish."
"Tse!"
Tumawa na lang ako. Tapos nag slice ako ng cake at sinubo ko sa kanya. Kinain naman yon ni Heira. Kaya mas lalo akong natuwa.
"Magselfie naman tayo Irish para remembrace."
"Sure!"
Tapos lumapit siya sakin inakbayan ko siya at nagselfie kaming dalawa. Tapos may isang shot kaming dalawa na sinadya kong halikan siya sa pisngi. Nagkunwari akong hindi ko sinadya. Pero ang totoo gagamitin ko 'yon para magkahiwalay sila ni John Ace.
"I'm sorry Princess Heira Irish. Pero mahal na mahal kita at hindi ako papayag na hindi ka makasama. Gagawin ko ang lahat makasama lang kita."
"Hoy! Besyfriend. Nakatulala ka dyan. Nagagandahan ka sakin noh?"
Ngumiti ako sa kanya. "Wag kang feeling sadyang bulang lang ang asawa mo at walang taste pagdating sa babae."
Hinampas niya ako sa balikat. "Arayy! Isusumbong kita sa asawa mo e, nanakit kana!"
"I hate you! Bestfriend pa naman kita." Sabay irap niya.
"You hate me.. But i love you."
"True friends nga diba? Asahan mong hindi kita bobolahin at hindi ako magsisinungaling. Pawang katotohan at serbisyong totoo lang." Biro ko pa.
Humalakhak siya. "Sira ka talaga!"
"Irish..
"Hmm.. Bakit?"
"Naalala mo pa ba ang kinakanta ko sayo noo nung tinutugtog ko sa guitara?"
Tumungin siya sakin at ngumiti
"Oo morethan words ng westlife ang galing mo nga nakaka-inlove ang boses mo."
"Gusto mo kantahan ulit kita no'n?"
"Walang guitara isa pa baka magising baby ko."
"Hindi na kailangan ng guitara kakantahan na lang kita gamit ang super power voice ko."
"Sige i-re-record ko tulad ng dati."
Tumango ako at pagkatapos inumpisahan kong kantahin ang morethan words.
Saying I love you,
Is not the words,
I want to hear from you,
It's not that I want you,
Not to say but if you only knew,
How easy,
it would be to show me how you feel,
More than words,
is all you have to do,
to make it real,
Then you wouldn't have to say,
that you love me,
Cause I'd already know,
Huminto ako ng mapansin kong nakatulog na siya. Yumuko ako upang magpantay kami. Tapos niyakap ko siya at hinalikan ko siya pagkatapos kinuhanan ko ng litrato yon. Ilang click ng camera ang ginawa ko. Iba't-ibang angulo ng larawan. Pagkatapos tinitigan ko si Heira na mahimbing na natutulog.
"Sa susunod na mga araw nakahiga ka na sa bisig ko mahal ko."