Heira's POV
PINAGMAMASDAN ko ang buong paligis ng SPIA. Matapos ang ilang buwan na pagbabakasyon ko. Nakabalik na ako para muling tapusin ang pag-aaral ko. Nakakapanibago ang araw na ito para sakin dahil para akong new student. Kahit na ganoon punong-puno ako pag-asa.
"Goodmorning Heira!"
Nakangiti akong tumugon. "Goodmorning."
"Nakabalik kana. Kamusta ang baby mo?" Tanong sakin ng isang babae.
"Okay naman. Malusog ang baby namin ni John Ace.
"Anong pangalan pala ng baby nyo ni King?"
"Jeyrin Heice."
"Ang cute." Ngumiti pa ito.
"Teka ano na pala ang pangalan mo? Tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya nagtatanong sakin pero hindi ko naman siya kilala.
Tumawa siya. "Ayy! Oo nga pala! Ako nga pala si Gail." Inilahad pa niya ang kamay niya.
"Hi Gail! Hindi ko na sasabihin ang pangalan ko kasi obvious namang kilala mo na ako."
"Haha! Feeling close ba ako? Sorry!"
"Nahalata mo pala.. Sige mauna na ako sayo."
"Heira!"
Muli ko siyang nilingon. "Bakit?"
"Kelan babalik si King?"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Bakit niya hinahanap si Dark? "Hindi ko alam e,"
"Gano'n ba? Sige hihintayin ko na lang siya." Pagkatapos umalis na siya.
Umiling na lang ako sa kanya. Sanay na akong may mga babaing hindi parin matanggap na may asawa na si John Ace. Hindi parin sila tumitigil sa pagpapansin kay John Ace. Mabuti na lang talaga at Suplado ang asawa ko.
"Welcome back Queen." Nakangiting bati sakin ni Maezy. Kasama niya si Phoebecate. Nakaaabang sila sa tapat ng classroom namin. Section A.
"Queen? Sino?"
"Gaga ikaw ang tinutukoy ko."
"Princess Ako hindi Queen."
Tumaas ang kilay ni Maezy. "Jusko Phoebecate. Lalo yatang nabawasan ang I.Q ni Heira. Kakarampot na nga lang e, saklap."
"Tse! Nakakahiya sa I.Q mo noh! Mali naman talaga ang sinabi mo."
"Queen! Kasi si John Ace King of casanova. Kaya Queen ka!"
"Maezy, Queen ng katangahan yata si Heira." Sabad ni Phoebecate.
Sa inis ko binatukan ko siya. "Araayy!! Why you make me palo-palo my head?!" Niliitan pa nito ang boses niya.
"I'm gonna sapak your Chaka face if you don't tigil that kinda conyo words." Nakapameywang pa ako kay Phoebecate.
Pumalakpak si Maezy na lalong kinainis ko. "Wow Heira! Ginalingan mo din e,"
I rolled my Eyes. "Papasok na nga ako sa Classroom namin. Pumunta na kayo sa classroom nyo."
"Bye! Heira." Nagbeso-beso pa kami bago sila umalis.
HALOS lahat ng mga mata ng classmate ko sakin nakatingin nakaramdam tuloy ako ng hiya sa kanila. Yumuko ako habang papunta ako sa Upuan ko. Wala pa ang mga casanova kaya wala akong makausap. Ilang minuto pa ang lumipas dumating na ang professor namin. Wala parin ang mga casanova pakiramdam ko tuloy transferee ako.
"Heira!"
"Hello Princess Heira Irish."
Napalingon ako sa may-ari ng boses na 'yon. Namilog ang mga mata ko ng makilala ko ang nagmamay-ari ng bosess na yon.
"K-khyzzer?!"
Ngumiti siya sakin. "One and only gwapo in town. Welcome back Miss Irish." Nakatayo siya sa harapan ko habang nakapamulsa ito.
"A-anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?"
Humalakhak siya sakin. "Anong klaseng tanong yan! Ofcourse nandito ako para mag-aral. Kaya ko namang i-afford ang tuition fee dito."
"Kelan pa?"
"Simula ng dumating ako galing Amerika dito na ako nag-aaral. Matagal na kita hinihintay."
"Gano'n ba?"
"Oh? Bakit parang hindi ka masaya? Ayaw mo ba? Bestfriend naman!"
"Masaya naman ako." Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Wala parin ang asawa mo?"
"Wala pa."
"Sabay tayong kumain mamaya sa breaktime it's my treat."
"Sorry kasabay ko sila Maezy."
"Very good kasabay ko din silang kumain."
"Okay sige." Tapos umiwas ako ng tingin sa kanya. Napapansin ko kasing maraming mga matang nakamasid saming dalawa ni Khyzzer kaya umiwas ako ng tingin.
Bago ako pumunta ng Cefeteria. Dumaan muna ako ng Comfort room. Habang naghihintay ako sa taong nasa loob ng cubicle may tatlong babae ang lumapit sakin. May nguya-nguya ang mga ito ng chewing gum. Nakapameywang ang isa ng humarap sakin.
"Ibang klase din ang kalandian mo Heira. Kababalik mo pa lang lumalandi kana agad. Kawawa naman si King iniiputan mo sa Ulo!"
Tumaas ang kilay ko ng humarap sa kanila. "Anong pinagsasabi mo?"
"Tss! Malandi ka kasi!"
"Hindi ako malandi maganda lang ako. Baka kayo ang malandi!" Pinagmasdan ko pa sila mula ulo hanggang paa. "Halata naman sa itsura nyong malandi kayo."
"Aba't ang tabas ng dila mo ah!" Sasampalin niya sana ako pero nasangga ko ang kamay niya.
Tinitigan ko siya. "Don't try to mess up with me. If you don't want to see how heira's get angry." Diniinan ko ang palapulsuan niya. Sabay tulak ko. Bumagsak siya ng mawalan ito ng panimbang.
"Ouch! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin!!" Pasigaw niyang sabi sakin.
"Gusto mo doblehin ko pa bayad ko sayo e, itsura nito kala mo hindi kita papatulan." Sabay irap ko. Tapos taas noo akong naglakad sa harap nila.
"Ibang-iba na si Heira ng bumalik. Nahawaan na yata ng kamalditahan ni Upgraded Queen." Usal ng kasama niya.
Tumawa na lang ako habang naglalakad ako. People change, lalo na ngayon kailangang maging matapang at malakas ako dahil sa anak kong si Jeyrin Heice. Hindi na ako pabata kailangan kong mag mature at mag-isip beyond my dreams.
"Bakit ang tagal mo Heira?" Nakataas pa ang kilay ni Maezy ng lumapit ako. Kasama niya si Phoebecate at Khyzzer.
"Nagpunta pa kasi ako ng comfort." Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Khyzzer.
"Buti hindi ka kinain ng Inidoro." Sabay tawa niya.
I glared "Hindi ako nakikipag biruan Meazy."
"Ayy! Sunget mo naman! Makakain na nga lang!"
"Heira sayo na lang itong burger na ito. Binili kita para hindi ka magutom. Nagpa-add ako ng extra cheeze kasi alam kong paborito mo ang maraming cheeze."
"Thanks Bestfriend."
"Ang sweet mo naman Khyzzer. Bakit kami walang extra cheeze." Sabad ni Phoebecate.
"Hindi ka naman kasi mahilig sa cheeze si Irish kasi favorite niya yan." Tumingin pa siya sakin.
"So palagi na lang si Heira! Si Heira na lang! Si Heira na walang malay!"
Siniko siya ni Maezy. "Hindi ka naman naturukan noh!"
Tumawa na lang ako ng irapan siya ni Phoebecate. Palaging nagtatalo ang dalawa. Pero kahit gano'n hindi parin sila nagkakaroon ng matinding away kahit nagkakapikunan sila.
"Excuse me!"
Sabay-sabay pa kaming lumingon.
"Ikaw pala Gail?"
"Kilala mo siya Heira?" Tanong sakin ni Phoebecate.
"Nakilala ko lang siya kanina." Tumingin ako kay Gail, "Bakit?"
"Pwede ba maki-share ng table. Wala na kasing bakante."
"Anong wala? Ayon oh! Ang dami." React ni Maezy.
Siniko ko si Maezy at pinandilatan ng mata. Upang ipaalam sa kanya na wag ng kumontra.
"Okay lang kung ayaw nyo." Tipid pa itong ngumiti.
"Ayy! Hindi dito kana sa table namin. Khyzzer umusog ka ng konti." Sabi ko pa. May bakanteng upuan kasi sa katabi ni Khyzzer mabuti na lang talaga at pang six person ang table na napili naming upuan.
"Salamat!" Tapos umupo na siya.
"Kamusta pala Gail yung estudyanteng binuhusan mo ng Juice?" Nakataas pa ang kilay na tanong ni Maezy.
Tumingin sakin si Gail. "Hindi ko alam ang sinasabi mo Miss." Tapos nagpatuloy siya sa pagkain.
Pilit na tumawa si Maezy. "Wala lang ang Upgraded Queen. Si Lady Master. Si Lucy at Faye. At Pixie. Nawala lang ang mga Maldita dito ikaw na ang pumalit?" Sagot ni Maezy.
Ano bang pinagsasabi mo hindi ko alam ang sinasabi mo?" Mahinahon pa niyang sagot.
"Maezy baka naman ibang tao ang tinutukoy mo?"
"Heira, kababalik mo lang hindi mo alam ang nangyari nang mga panahong wala ka. Maraming nangyari dito sa loob ng SPIA." Sabad naman ni Phoebecate.
"Miss Heira. Ayaw yata sakin ng mga kaibigan mo. Aalis na lang ako. Salamat na lang."
"Teka! Wag!"
"Hayaan mo siya Heira. Siya lang din ang mahihirapang makipagplastikan." Sabad ni Maezy.
"Sige Heira! Thank you!" Sabay kuha niya sa tray niya at umalis sa pwesto namin.
"Grabe naman kayo. Binastos nyo ang tao." React ko.
"Hay naku Heira! Wag kang magpapaniwala sa pinapakita niyang kabaitan. Mula ng bumalik yan dito nag siga-sigaan na. Pasalamat na lang siya at busy ang mga maldita ng SPIA dahil kung hindi lalabas yan ng SPIA ng talunan!"
"Bakit natahimik ka dyan Khyzzer?" Tanong ni Phoebecate.
"Wala naman. Usapang babae yan kaya tahimik lang ako."
"Wag kang lalapit don. Baka mabiktima ka ng kalandian non." Sagot ni Maezy.
"Grabe ka naman Maezy galit na galit ka sa tao hindi ka naman inaagrabyado ng tao." Sagot ko.
"Naku Heira! Kung alam mo lang! Nilandi nyan ang boyfriend ni Maezy. Muntik na ngang magkahiwalay si Maezy at Brent e," Ani Phoebecate.
"Kaya pala galit na galit si Maezy do'n . Pero mukha namang mabait si Gail taliwas sa sinabi nyo."
"Malalaman mo din ang totoo Heira." React ni Maezy. Pinagpatuloy namin ang pagkain. Nawalan na ng ganang kumain si Maezy mabuti na lang at nandyan si Phoebecate para umubos ng pagkain. Natapos ang buong maghapon ko sa school. Si Dark hindi man lang magawang magtext O kaya tumawag sakin. Nang matapos ang huling subject namin parang gusto kong lumipad na upang makarating agad ng mansion nami-miss ko kasi ang Baby Jeyrin ko.
"Heira! Hintayin mo kami." Tawag sakin ni Phoebecate.
Huminto ako. "Bilisan nyo naman. Excited na akong umuwi e,"
"Miss na miss mo na ba ang Baby mo?" Sagot ni Phoebecate.
"Oo! Teka wala ba kayong sundo?"
"Wala nga! Kaya sasabay kami sa iyo. Si Khyzzer kasi hindi namin mahagilap. Doon sana kami sasabay." Ani Phoebecate.
"Sakin na kayo sumabay tara!"
"Teka lang! May nakalimutan ako sa loob ng Classroom." Sabad ni Maezy.
"Ayy naku ulyanin kana nga! Tara samahan kana namin baka magtagal ka pa." Hinila ko si Maezy upang agad kaming makarating sa Classroom nila.
Nasa labas lang kami ng classroom ni Phoebecate habang hinihintay namin si Maezy na kinukuha ang gamit sa loob. Malikot ang nga mata ko habang nakatingin sa paligid. Ito kasing section na ito ang maraming malalaking puno ng nArra. Kaya naman nilagyan ng mga upuan sa gilid upang gawing tambayan ng mga estudyante at dahil past Six in the evening na. Wala kang makikitang nakatambay doon.
"Heira! Parang si John Ace yon!" Turo sakin ni Phoebecate. Hinanap ng mga mata ko ang tinutukoy niya. Nakita ako ang dalawang magkasintahan na Naghahalikan sa ilalim ng nArra.
"Hindi naman si Dark yon. Nasa Amerika sya." Sabi ko.
"Lumapit tayo saglit." Bago pa ako makapagreak hinila na niya ako palapit noon. Hindi ako makapaniwala na ang babae ay si Gail. Yung lalaki lang ang hindi namin makilala dahil nakalikod siya at ang Babae lang ang nakita namin dahil nakaharap siya samin.
"Parang si John Ace nga!"
"Posible yon! Dahil nasa Amerika sya."
Nagkibit balikat si Phoebacate. "Siguro nga kamukha ni John Ace yon."
"Tara!"
Tumango at sumunod sa kanya. Muli kong pinagmasdan sila bago kami umalis.
Santiago's Mansion.
"Yaya Chedeng bakit ang dami nyong niluluto ngayon? Tanong ko ng makauwi ako ng mansion. Karga-karga ko si Baby ng bumaba ako at nagtungo sa kusina.
"Darating kasi si senyorito John Ace. Nagpapahanda ng paborito niyang pagkain."
"Ngayon ba ang dating niya? Hindi naman sakin nagsabi na uuwi na pala siya."
"Baka gusto kayong i-surprise senyorita."
Napangiti ako sa sinabi ni yaya chedeng. "Baby Jeyrin Heice. Darating ang Daddy mo. I-surpise tayo."
"Senyorita Heira. Sa living room muna kayo. Baka makasama kay Baby ang amoy dito."
"Sige po Yaya!" Tapos umalis na ako bitbit ang anak ko. Pinakuha ko ang Kuna ni Baby Ace. Upang comportable itong makatulog. Ako naman ay nanonood ng Kpop music video. Habang nakatutok ang mga mata ko sa Tv. Biglang may nagtakip ng Mga mata ko.
"Just tell me who I am."
Ngumiti ako. Kahit hindi siya magsalita alam na alam kong si John Ace 'yon dahil sa pabango niyang gamit. Hinawakan ko ang kamay at inalis ko iyon. Tapos humarap ako sa kanya.
"I miss you." Nakangiting sabi sakin.
Kusang tumulo ang luha ko ng mapagmasdan ko siya. Niyakap naman ako ni John Ace. "Tears of Joy Hippo? Don't cry I'm here."
Gusto ko siyang sampalin ng ilang ulit. Nang humarap siya sakin. Ang kulay at damit na suot ng kahalikan ni Gail ay suot ni John Ace. Idagdag mo pa ang maliit na lipstick sa baba ng Chin niya. Marahil hindi iyon napansin kaya hindi naalis. Ang sakit ng surpise ni John Ace sakin. Pagtataksil!
"Miss na miss kita Hippo." Hinalikan pa niya ako sa labi. Gusto kong umiwas kung hindi nga lang hawak niya ang mukha ko.
"Sinungaling ka! Nauna mo pang puntahan ang kaladian mo! Letche ka! I hate you!"
"Wala ka bang ibang sasabihin? Hindi ka ba natutuwa sa pagbabalik ko?"
"Hindi! Gusto nga kitang Putulan ng kaligayahan e,"
"Masama kasi Dark Devil ang pakiramdam ko. Nanibago yata ang katawan ko."
"Gano'n ba? Sige na magpahinga kana. Ako na ang bahala dito kay Baby Jeyrin. Mamayang madaling araw na lang kita gigisingin." Kumindat pa ito sakin.
"f**k you!"
"Ikaw na ang bahala dyan ka Baby. Magpapahinga muna ako." Tapos agad akong dumiretso sa kwarto paglapat pa lang ng katawan ko sa kama. Tumulo na ang luha ko dahil sa nalaman ko. Sobrang sakit. Ito siguro ang sinasabi ni John Ace na surprise. Ang pagtataksil niya.