Heira's POV NAGISING ako ng maga ang mga mata ko. Hindi ko kasi namalayan na Nakatulugan ko ang pag-iyak kagabi. Ang nakakasama ng loob hindi man lang ako pinansin ni Dark. Si Jeyrin Heice ang pinagtuunan niya ng pansin. Hindi niya man lang siguro napansin na umiyak ako. Mabigat ang katawan ko ng lumabas ako ng kwarto wala na sa tabi ko si Jeyrin marahil kinuha na siya ni Dark O kaya ni Yaya Chedeng. Nakabihis na rin ako ng school uniform ko. Naisipan kong wag ng dumaan ng kusina alam kong naroon silang lahat at kumakain ng almusal. "Goodmorning Senyorita Heira! Papasok na po kayong hindi pa kumakain?" Tanong sakin ni Yaya Chedeng. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Ngumiti pa ako. "Yaya, busog po ako." "Gano'n ba? Sige mag-iingat ka." "Salamat po." Muli sana akong hahakb