Part 29: Si Enchong bilang ama ENCHONG POV "Nasaan si Rouen?" ang tanong ko noong maupo ako sa hapag kainan. "Baka naman Io ang ibig mong sabihin frend," ang wika ni Oven. "Ke Io o Rouen iisa lang iyan! Nasaan ba siya? Dinner na ah, bakit wala pa?" tanong ko sabay harap kay Rael na noon ay parang batang nagtatali ng tela sa leeg. "Rael, bakit hindi mo man lang hanapin yung anak mo?" tanong ko sa kanya. "Master, kasama ni Rouen sina Heneral Liad at ilang mga kawal sa pangangaso doon sa kakahuyan," ang wika ni Mister Wilson. "Nangangaso? Bakit gabing gabi naman? Rael bakit hinahayaan mong sumama yung anak mo sa pangangaso? Gabi na diba? Bakit napakapabaya mong tatay?" tanong ko ulit. "Hon, yung anak mong sinasabi ay 20 anyos na. Makapal pa bulbol sa atin nung gago na iyon! Saka kaming

