Part 30: Makulay na Pista ENCHONG POV "Bakit ba galit na galit ka? Ang init ng ulo mo, para inaayos ko lang itong mga damit natin. Tingnan mo pati itong brief mo sabog sabog dito sa lalagyan," ang wika ko noong hapon na makabalik ako galing sa pag ttraining sa mga kawal ni Rael. "Wala akong paki," ang parang batang nagmamaktol na sagot nito sabay irap sa akin. "Ang init ng ulo mo, sorry kung ginawa kitang model kanina," ang tugon ko naman. "Sinadya mo yun dahil nababaliw ka na. Baka nakakalimutan mo, ako lang naman ang super hot, super handsome at super perfect na hari ng lupaing ito. At baka nakakalimutan mo na ako lang naman ang nagpapa-ungol sa yo gabi gabi!!" ang seryosong hirit niya. "Kung yung baliw e, dapat hinahayaan mo akong mga demo kanino, maibabalik ko naman agad yung nap

