Part 17: Malagim na Propesiya MIGUEL POV "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Malik sa akin sabay halik sa aking labi. Tumango ako at pinilit tumayo, "Oo naman, huwag mo nga akong alalahanin, magtungo na tayo sa silid ng pagpupulong dahil baka importante ang iuulat ng mga matatandang gabay," ang tugon ko naman. At iyon nga ang set up agad kaming lumakad ni Malik patungo sa silid ng pagpupulong. Habang naglalakad kami bulwagan ay nakaalalay sa akin si Malik na para akong isang babaeng iniingatan. Halos hindi nagbabago ang pakikitungo niya sa akin simula noong unang araw na kami ay magkakilala. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin si Malik, malambing, maalaga, masarap magmahal, mga bagay na hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. "Winter na ba dito sa Apresia?" tanong ko kay Malik. "W

