Part 16: Babala ng Tubig MIGUEL POV Nakaukit ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ko si Malik nasa karagatan. Nakatapak siya sa ibabaw nito habang hawak ang kanyang nagliliwanag na trident. Ang mga tao sa paligid ng pampang ay nanonood sa kanyang mga gagawin. Taon taon ay nagkakaroon ng espesyal na dasal si Malik para sa buong Apresia at iyon ang pagsayaw kasama ang alon bilang pagapapasalamat na rin sa biyayang pinagkaloob ng kaatas taasang Diyos na si Neptune. Tahimik. Sa pagtama ng malamig na hangin sa aming mukha ay nagsimulang ikumpas ni Malik ang kanyang hawak na trident. Nagliwanag ang kanyang katawan at hinangin ang suot niya puting pajama. Dito ay nagsimulang gumalaw ang tubig sa paligid, nagliwanag ito at naging payapa, nawalan ng alon ang karagatan. Sa pag galaw ng

