Part 20: Kalikasan IBARRA POV "Good morning," ang bati ni Leo sa akin noong magising kami. Kapwa kami walang saplot galing sa umaatikabong pagkatatalik buong magdamag. Ang aming relasyon at pagmamahalan ay wala na rin pagbabago, dati p rin ito at nag iibayo habang tumatagal. "Magandang umaga rin, round 6?" ang biro naman dahilan para matawa ito at kagatin ako sa balikat. "Pwede rin, ano game?" ang pagsakay nito dahilan para matawa ako at muli siyang hinalikan sa labi. Ang aming lambing sa isa’t isa pa ay hindi pa rin humuhupa magbuhat noon. Halos ilang buwan na ang nakalilipas magbuhat noong hulaan ni Lolo Isko ang aming kapalaran. Ilang buwan na rin ang nakakalipas noong dumating sila Devon at ilang Guardian mula sa Hell Society sa lugar na ito upang magpakasal. Alam namin ang gulo at

