Nasa NLEX na si Crisma nang maalala niya ang nga pinamili niyang nasa paper bag. "Ay suss!" Natampal niya ang sariling noo. Ang mga pasalubong niya nakalimutan niya dahil sa pagkataranta kanina. "Bwisit talagang Erik na 'yon! Sayang ang mga pinamili ko!" palatak niyang sabi na naiinis ng sobra. Wala rin! Uuwi siya sa probinsya na wala man lang bitbit na kahit na anong pasalubong. Kung kakapitan ka ba naman kasi ng kamalasan, eh. Batrip! Napabuntong-hininga na lang siya ng malalim at napasandal sa upuan ng sasakyan. Well, wala na siyang magagawa. Nangyari na 'yong hindi inaasahang pagkikita nila ni Erik. At halos tumambling ang puso niya sa matinding kaba. Pagkuwa'y napalabi siya, sunod ay napangisi. "Ang gunggong hindi niya ako nakilala!" aniya habang pinaandar ulit ang kotse nang ma