"Ikaw?!" sambit ni Erik nang makilala siya. "Ikaw 'yung girl na nabangga ko sa Maynila, sa mall?! Right?!" "Sinusundan mo ba ako?!" mataray niyang tanong. Tumikwas ang isa niyang kilay at hinalukipkipan ang binata. Napasinghap naman sa hangin si Erik. "Excuse me?! Why should I?! For your information, Miss! Dito talaga ang sadya ko!" "Oh, really?! At anong gagawin mo rito sa bahay nina Crisma, aber?!" Natigilan at napatanga si Erik sa maganda niyang mukha. "K-kilala mo si Crisma? Who are you to her? Are you relaives?” Lihim na napangisi siya. "So, hindi mo pa pala ako nakikilala, Erik Raneses!" at sabi niya sa loob-loob niya na nagdidiwang sa tuwa. Kung gano'n hindi pa pala sira ang plano niya. Mabuti na lamang. "Kuyaaaa Erikkk!!" Ang nagpalingon sa kanya na boses ng isang bata. Napan