"Ttala daniji mal-a jwo!" mataray na lingon at sabi ni Crisma kay Erik sa lenggwaheng korean na naman. Paano'y kanina pa nakabuntot ito sa kanya. Mula sa kalsada kung saan nasiraan siya ng kotse hanggang dito sa grocery. Parang tanga na nakasunod lang sa likod niya ang binata. "What?!" Hindi naunawaan na saad ng binata. "I said stop following me!" Lalo siyang nainis. Kailangan talaga niyang i-sub title! Tss! "Bakit? 'Di naman kita ginugulo, ah? May binili rin ako," nakangising ani Erik na tinaas ang isang naka-sachet na rexona na hawak. Nang-aasar talaga ang mukong! "Nang-iinis ka ba talaga?!" Tinaasan niya ito ng kilay. "Of course not! Pero hindi kita titigilan hangga't 'di ko napapatunayan na ikaw si Crisma!" Sumeryoso ang mukha ni Erik. Susungitan niya pa sana ito pero nagsalita a

