"Sasabihin mong hindi ikaw si Crisma pero umiiyak ka ngayon dito?! Sinong pinapahirapan mo?! Hah?!... Ako?! O ang sarili mo?!" seryosong wika ni Erik pagkatapos nitong i-lock ang pinto ng silid ni Crisma. Namilog ang mga mata ni Crisma na dahan-dahang napatuwid nang tayo. Ilang sandali siyang nawala sa hwesyo, napahiya at hindi alam ang sasabihin. "Get out!" pero madiin niyang pagtataboy rin sa binata nang mahimasmasan siya. Saka marahas na pinunas ang mga luha sa pisngi niya. Pakiramdam niya nauubusan ng hangin ang silid niya, hindi siya makahinga! At parang sumikip ang silid dahil parang hindi siya makagalaw! "Get out?!" sarkastikong ulit ni Erik sa sinabi niya. "Gusto mo akong umalis?! Fine! Pero mauna kang umalis! Umalis ka muna sa rito sa puso ko dahil hirap na hirap na ako sa pa

