Napangiti si Crisma nang maka-shoot ng bola si Erik Raneses. At hindi niya napigilan ang mapalakpak. Well, magaling naman talaga kasing mag-shoot ng bola ang binata.
"Ang galing niya, noh? Idol talaga!" ani Shaine na isa rin sa nagche-cheer kay Erik. Wala si Crisanta dahil may hinahabol itong project, susunod na lang daw ito.
"Sigurado ka bang siya ang may-ari ng kotseng super hero ko?" hindi pa rin siya makapaniwalang tanong niya. Kaya lang naman siya napasama ngayon dito sa gym ay upang makita si Erik. Sabi kasi ni Shaine kanina ay si Erik na classmate nila ang may-ari no'ng sasakyan na nilinis niya.
"Oo naman. 'Di ako pwedeng magkamali," sure na sure na sagot ni Shaine.
Napatango-tango siya. Kung sabagay sa hitsura ng Erik na 'yon eh, mukha namang may kotse. Hitsurang mayaman. Now she know, kaya pala pamilyar ang mukha nito sa kanya no'ng first day niya rito sa school. Siguro nakita niya ito noon.
Naka-shoot na naman si Erik, muli silang naghiyawan.
At natapos ang game na halos mapaus-paos sila ni Shane sa kaka-cheer.
Nagpasya silang magkaibigan na hintayin na lang si Erik sa labas ng locker room ng basketball team nito. Gusto niyang magpasalamat sa binata dahil sa kotse nito ay 'di siya napahamak sa snatcher na iyon noon.
Kaya nga lang nang lumabas si Erik ay parang wala itong nakita. Sa itim niyang iyon ay 'di pa siya nakita? Eh?
Well, parang nagmamadali kasi ito.
May lakad siguro.
"Sundan mo!" Tulak sa kanya ni Shaine.
Napa-"Huh?!" siya.
"Kala ko na magte-thank you ka? Pagkakataon mo na 'to para makaharap si campus crush! Ayeiii!!"
Syempre dahil sa susog ni Shaine ay hinabol nga niya ang binata.
"Ang bilis namang naglakad ng lalaking 'to!" sa isip-isip niya nang malayo na agad ang binata. Wala siyang nagawa kundi tumakbo. At malapit na niyang makalabit si Erik, kaso sa kasamaang palad ay nadapa pa siya. "Aaay palaka!"
Kitang-kita niya ang pag-stoo at nagtatakang paglingon sa kanya ni Erik.
Ngumiti siya na nakangiwi na nakadapa sa semento. "Hi!" Sa unang pagkakataon ay nag-blush siya. Oo, kasi alam niya at ramdam niya na nag-init ang mukha niya kahit hindi halata sa mukha niya. Dyahe! Nakakahiya!
"You okay?" kaswal na tanong ng binata.
Hindi man lang nagmadali na ibangon siya o sakluluhan.
At saka joke ba 'yon? May okay ba na nadapa?! Tss! Pero ay binigyan niya pa rin ng matamis na ngiti ang binata saka sinubukang bumangon. "Bakit ba kasi nagmamadali ka?!"
"Dahan-dahan." Nagulat na lang siya nang biglang lumuhod si Erik sa harap niya. Gentleman din pala, bes! Kala niya hindi, eh!
Inayos niya ang pagkakaupo baka masilipan siya, eh. Pero napangiwi siya dahil may nararamdaman siyang hapdi sa kanyang isang tuhod. Isang peklat na naman, aissst!
"Why you're following me?" Kinuha ni Erik ang face towel na nakasampay sa leeg nito at ipinahid sa tuhod niya.
Parang biglang nakuryenteng napaatras siya. Halos lumuwa ang kanyang mga mata. First time kasi na may lalaking nagka-concern sa kanya at guwapo pa. Sa lugar nga nila kahit mahulog siya sa bangin, eh, deadma pa rin ang kalalakihan. At tatawagin pa siyang TANGA!
"Ano'ng ginagawa mo?! Hindi tayo close para punasan mo ang tuhod ko!" sabi niya. Nasabi niya iyon para pagtakpan ang nararamdamang nagsisimulang paghanga.
"You're wounded! You should be taken to the clinic so that it will not be infected!" ani Erik. Tumayo ito at tumalikod sa kanya. Pagkatapos ay bahagya itong yumukod. "Hop in," tapos utos nito.
Pinapasakay siya sa likod nito?! Seryoso?!
Hindi siya agad nakakilos. Sa halip ay napakurap-kurap siya habang pinagmamasdan ang malapad na likod ng binata na parang hinahalina siya. Saglit ag napalunok siya at nailing. "K-kaya ko namang maglakad, eh!"
Nilingon siya ni Erik. "It's obvious that you can not. Come on!"
"Kaya ko!" giit niya.
"You sure?"
Tumango siya pero deep inside umaasa pa rin siyang pipilitin siya. Tama lang naman na magpakipot siya?! Kahit ang totoo excited nga siyang sumakay sa likod ng guwapong binata.
"Fine! I'll get going then! Kaya mo naman pala, eh!" subalit pagkasabi n'on ni Erik ay nagmamadali na itong umalis. Parang nainis.
Napamaang na lamang at na-estatwa siya sa kinatatayuan. Nang nag-sink-in sa kanya ang nangyari ay naningkit ang mga mata niya. "Hindi man lang ako pinilit? Ano ba 'yan?! Hindi ka nga gentlemen! Tse!"
Ang ending, paika-ika siyang naglakad papuntang clinic. Takang humahangos na lumapit sa kanya si Shaine na nag-aantay sa kanya.
"Anyare?! Ba't ka nagkasugat?!" nag-alalang tanong sa kanya.
"Wala! Tulungan mo na lang ako makapunta sa clinic!" busangot niyang sagot. Ito ang napapala ng pakipot. Hay!..........