Iika-ikang pumasok sa malaking bahay ni Miss Juliet si Crisma dahil sa sugat niya sa tuhod. Maingat siya na umakyat sa hagdan para walang makapansin sa kanya sana pero halos mapatalon naman siya nang 'di nya inaasahang makakasalubong pa niya si Miss Juliet doon sa hagdanan.
"Crisma, what happened to you?!" Agad nag-alala si Miss Juliet nang makita nitong may band-aid ang tuhod niya. Nagmadaling lapit agad ito sa kanya at alalay sa kanya.
"Wala po 'to, Ate Juliet. Ayo slang po. Gasgas lang poi to.”
"Nadapa ka ba?"
Nahihiyang tumango siya. Alangan namang sasabihin niyang hindi. Kasalanan 'to ng Erik Raneses na 'yon, eh!
"Come, gamutin natin."
"'Wag na po, ate. Nagamot na po kanina ito sa clinic ng school. Dinala po ako roon ng isang kaibigan ko."
"Gano'n ba? Mabuti naman. Pero halika pa rin sa kuwarto ko may ibibigay pala ako sa'yo. Actually kanina pa kita hinihintay." Inakbayan siya ng mabait na dalaga. Aakalain mong kapatid niya talaga ito.
Tinungo nila ang silid ni Miss Juliet. Pinaupo siya nito sa gilid ng malambot na kama. "Wait lang," sabi ni Miss Juliet na ngiting-ngiti sa kanya. Binuksan nito ang walk-in cabinet nito.
Nakatingin lang siya. Nag-antay. Nag-iisip kung ano kayang ibibigay sa kanya ng kanyang mabait na Ate Juliet. Ang bait talaga nito sa kanya, wala siyang masabi. Buti na lang at may mga tao pang ganito na tumutulong sa kanilang kapwa. Sana all.
"Ta da!" Isang paper bag ang itinaas ni Miss Juliet.
Binasa niya ang nakasulat sa paper bag JELLO ESSENTIAL PRODUCTS.
"Ano po 'yan, ate?" tanong niya na namamangha. Ni minsan kahit kayang ibigay lahat ni Ate Juliet niya ang gusto at sabihing niya lang ay hindi niya sinasamantala. Ang nais niya lang ay makatapos talaga sa pag-aaral para hindi masayang opportunity na binigay sa kanya ni Lord. Saka ayaw niyang mabigo si Ate Juliet niya sa kanya. Makapaghihintay ang mga luho.
Lalong lumawang ang pagkakangiti ni Miss Juliet sa kanya. Lumapit ito at tumabi sa kanya. Binuksan nito ang paper bag at inilabas doon ang mga produktong mga pampaganda.
"Ibibigay ko ito sa'yo at gamitin mo araw-araw, ha?"
"Para saan po 'to?"
Hinawakan siya ng kamay ni Miss Juliet. "Para gumanda ka. Hindi ko sinasabing para pumuti ka pero malay mo baka mabawas-bawasan nito ang kulay mo."
Nagningning ang mga mata niya. Kung luho sa pagpapaputi at pagpapaganda ay syempre, dito siya excited. Ibang usapan na syempre. Noon pa man ay nais na niyang pumuti kahit konti lamang.
"Magagawa nito akong paputiin, ate?!" Kulang na lang ay lumuwa ang kanyang mga mata sa matinding katuwaan.
Nakangiting tumango si Miss Juliet. "Mga slight lang siguro pero at least kahit paano mabawasan, hindi ba?"
“OMG!” Excited na kinalkal na niya ang mga beauty products ng JELLO. May toner, may sabon, may lotion at kung anu-ano pa. Alam niya ang mga bagay na ganito dahil pinangarap niya noon na makagamit. Pero gawa nga sa hirap ng buhay, eh, kahit kojic na mumurahing sabon ay hindi sila makabili noon. Uunahin pa ba iyon ng nanay niya gayung wala na nga silang makain?
"Kapag may naubos sabihin mo lang sa'kin," sabi pa ni Miss Juliet. "Saka tuwing linggo sasama ka sa'kin doon mismo sa clinic nila para magpaganda, ha?"
Niyakap niya ang mabait niyang Ate Juliet. Gusto nga niyang umiyak pero ang OA na kapag gano'n. "Salamat, ate! Salamat at ang bait-bait mo po sa akin!" sensero na lang niyang pasasalamat...........