Pagpasok ni Crisma sa school ay agaw pansin na siya sa lahat ng studyanteng nadadaanan niya, at ito'y mga nagtatawanan dahil… dahil nakapayong lang naman kasi siya. At hanggang sa loob ng campus kasi whch is wala namang araw na dahil sa naglalakihang puno at building na classroom ang nasa paligid. "Oy, Crisma? Ano ba 'yan? Ba't ka pa nakapayong kahit nandito ka na? Wala naming araw o ulan, ah?!” sita ni Shaine nang makita nito si Crisma. Ito man ay nagulat sa hitsura ng kaibigan na parang timang. "Ay, wala na bang araw?" maang na sambit ni Crisma. Tiniklop na niya ang payong. Tapos ay ngiting-ngiti na binati niya si Shane. “Good moring?!” “Mukhang ang saya mo ngayon, ah?” “Of course!” Nahawaan ng kanyang good vibes si Shane. “Pero bakit ka nga nakapayong? Teka?! Nagpapaputi ka, noh?"