Napalunok si Crisma. Paano'y napakaseryoso ng mukha ni Erik Raneses. Naku po! Baka jumbagin siya nito? An'laki pa namang tao! Parang basketbolista kasi si Erik sa PB . Matangkad at malaki ang pangangatawan, halatang alaga sa ehersisyo. Siguro nagbubuhat din ng balde, tulad Pero hindi naman siguro. Bakit masama na ba ngayon ang maglinis ng kotse ng 'di niya kotse? "Why are you always paltering my car? Are you drugged? No'ng isang araw ka pa, eh!" Napamulagat siya. Kung ganoon nakita ng lalaking 'to ang pagpunas niya sa kotse noong isang araw? Aw! Nakakahiya! Nakagat niya ang hintuturo niya. "Ah, I knew it. Maybe you type my car to steal, right? Kasabwat ka siguro ng mga bukas-kotse gang, noh? Na kunwari nag-enroll ka rito sa school na 'to para mag-aral pero ang balak mo talaga, eh, mag-