PART 9

777 Words

"Salamat sa paghatid, Ate Juliet," senserong pasasalamat ni Crisma bago bumaba sa kotse. "Crisma, wait lang," pigil sa kanya ni Ate Juliet niya. Lumapit siya sa may driver's side. At nakita niyang may hinalungkat si Ate Juliet niya sa mamahaling bag na nasa tabi pagkuwa'y may iniabot ito sa kanya. "Here. Nakatulog ka na kasi kagabi kaya 'di ko naibigay sa 'yo." "Ano po 'to?" maang na tanong niya. Isang bote 'yon na kulay puti, hula niya gamot 'yon. Teka! Ba't siya bibigyan ng gamot? Wala naman siyang sakit, ah. "Gluthatione 'yan. Capsule na pamputi." "Talaga po?!" syempre muli siyang na-excite. Kapag pampaputi talaga ang naririnig niya ay lumalaki ang mga tainga at mata niya. "Oo. Inumin mo 'yan dalawang capsule sa isang araw. Kapag maubos sabihin mo lang sa'kin. Makakatulong 'yan pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD