"Crisma, tara na! Nag-umpisa na ang game! Gusto ko nang makita ang mga crush ko!" pagpipilit ni Shaine. "Ayoko nga! Kayo na lang!" tanggi pa rin niya. Hindi niya kakayanin na magkita ulit sila ng Erik na 'yon. Saka baka pagtawanan na naman siya roon. "Huwag mo nang pilitan 'yan! Arte! Tara na, Shaine!" Hinila na ni Crisanta si Shaine. Pero natigilan si Crisanta nang makitang paparating sina Chloe at mga kaibigan nito. Tumigil ang mga ito sa tapat nila. Matulis ang naging tingin niya sa tatlo. Kahapon pa ay may hinala na siyang itong tatlong 'to na mga papampam ang may kagagawan sa nakadikit na papel sa likod niya. "Hindi na nahiya sa balat niya! I love you Erik daw?! Ew!" Ang lutong ng tawa nina Chloe. Mga nagpaparinig. Wala na namang magawa sa buhay ang mga papampam. Maang na napatin