"Shoot! Shooot, Eriikkkkk!!" Kulang na lang ay lumabas ang ugat sa leeg ni Crisma kakasigaw at kaka-cheer kay Erik. Kaya lang sablay pa rin sa pag-shoot ang binata. Minamalas talaga. "Sayang!" ang nasasambit na lang niya 'pag hindi nasho-shoot ang bola. Sa huli ay talo ang team nina Erik. "Sayang! Minalas kayo ngayon!" feeling close na saad niya. Nasa locker room na sila ng team nina Erik. Parang wala lang sa kanya ang mga naka-topless na kalalakihan. Hindi tuloy magawang makabihis ng maayos ang mga ka-team ni Erik dahil sila ang naasiwa sa presensya niya roon. Sikuan sila at bulungan. Si Erik na tuloy ang nahihiya. "Crisma, can you please get out! Leave me alone for petes's sake!" Pwede na itong magsuplado dahil wala ng tao. "Bakit?" maang na tanong niya. Pumanaywang at ginuso ni E