Gulat at pagtataka ang rumehistro sa mga mukha ng magkakaibang Chloe nang lumabas si Erik sa locker room at kasama nito si Crisma. Umawang ang mga labi nilang nakukulayan ng pulang lipstick. Kulang na lang ay literal na maglaglagan ang kanilang mga panga sa sahig. Si Chloe na mas naapektuhan ay naningkit awtomatiko ang mga mata. She gritted her teeth in anger and closed her fists tightly. "Ang kapal talaga ng mukha ng negrang babaeng 'to! Hindi na nahiya na lumalapit sa guwapong papa Erik ko! b***h slut!" Hindi naman na nabigla sina Erik at Crisma dahil may nag-tip na sa kanila kanina bago sila lumabas na nag-aantay nga raw sina Chloe sa labas ng locker room. "Erik, what the hell is this?! Hindi ka ba nandidiri sa balat ng babaeng negra na 'yan?! My gosh!" inis na wika ni Chloe. Hindi n