PAGKATAPOS kumain ay nilibot naman ni Rhomz ang magagandang pasilidad ng resort. Iniwan niya si Nathan habang kausap ang mga kaibigan nito. Narinig na niya noon ang tungkol sa Harley’s resort. Hindi kasi siya mahilig sumama sa mga katrabaho niya na palaging pumupunta sa mga resort lalo na tuwing summer. Nagbukas na ulit ang resort, ibig sabihin niyon ay ligtas na ang mga tao sa mga halimaw. Pero baka matagal pa bago makabalik sa normal na buhay ang mga tao. Gusto na rin niyang makauwi sa bahay nila. Ang kaso, wala na siyang madadatnang pamilya. Nakasama ang mga magulang at kapatid niya sa listahan ng mga namatay base sa report ng organisasyon. Ang hindi lang niya nakita sa listahan ay ang pangalan ni Darwin. Huminto si Rhomz sa dulo ng pasilyo palabas ng gusali nang napansin niya na nap