NANG maluto ang kanina at ulam ay tinawag na niya si Hero. Nagugutom na rin siya kaya sinabayan na niya itong kumain. “May bawang ba ang ulam?” tanong ni Hero nang nakaupo na ito sa katapat niyang silya. “Wala. Ayaw ni Nathan ng bawang,” sagot niya. “Me too. Vampires hate garlic.” Sumubo ito ng isang hiwa na patatas. Napansin niya na hindi ito kumuha ng kanin. “Ayaw mo ba ng kanin?” hindi natimping tanong niya. “No. I didn’t eat rice since I was a kid. My sources of carbohydrates are potatoes and pasta. Masarap ka ring magluto, ah. Ano’ng tawag mo sa recipe mo?” anito. “I’m not sure if I cook that perfectly. Nakita ko lang kung paano mag-marinate ng karne si Nathan.” “So, hindi ka talaga marunong magluto?” “Marunong ako ng mga basic recipes.” “Hm. Mukhang malakas ang impluwensiy