Chapter 21

2203 Words

ISANG oras tumambay sa dalampasigan si Nathan at inaaasahan niya na aantukin siya. Nang hindi siya makaramdam ng antok ay naligo siya sa dagat. Lumangoy siya at nagbabad sa tubig nang halos isang oras. Pag-ahon niya ay namataan niya ang pamilyar na bulto ng lalaki na nakaupo sa lamesa sa loob ng cottage. Naglakad siya patungo rito. Nang makalapit siya’y nakombinsi siya na si Hero ang kanyang nakikita. “What are you doing here?” tanong niya rito nang tuluyan siyang makalapit. Kumibit-balikat ito. “I just found this place comfortable,” tugon nito. Lumuklok naman siya sa sementadong bench. Hindi niya maiwasang magduda na baka inutusan ng daddy niya si Hero para manmanan ang kilos niya. Hindi siya nag-abalang usigin ito. “How long you been here?” tanong na lamang niya. “I just arrive.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD