HINDI inaasahan ni Nathan na labis siyang maapektuhan nang malamang buhay nga si Darwin at sa katauhan pa ni Brian na isa sa tinulungan niyang survivor. Naging malapit sa kanya ang lalaki simula noong madalas niya itong bisitahin sa quarantine area. Noon lamang niya naisip at napagtanto kung sino ang tinutukoy nitong babae na madalas nitong napapapanaginipan. Naalala niya ang sandaling nagkuwento sa kanya si Darwin. Nadatnan ni Nathan si Brian na nakadapa sa kama ng piitan nito. Pumasok siya at umupo sa tabi nito. “What’s wrong? Bakit hindi ka kumain?” tanong niya. Pumihit pahiga ang lalaki saka umupo. “Sumasakit ang ulo ko,” sagot nito. “Bakit? May naaalala ka na ba?” “May napapanaginipan akong babae. Palaging siya ang nasa panaginip ko.” “Ano’ng klaseng panaginip?” “Nasa loob kami