DINALA ni Rhomz ang natuping linen sa aparador at isinalansan ang mga ito. Mabango ang mga iyon at obvious na bagong laba. Kailangan niyang maayos ang kalat dahil babalik siya sa clinic para tumulong sa tambak na trabaho roon. Nauna nang umalis si Jeddan pagkatapos ng inventory. Nang wala na siyang gagawin ay nagtungo siya sa clinic. Tamang-tama pagdating niya ay kararating din ni Zae. Nagulat siya nang bigla siya nitong sinugod at niyakap. “I missed you, roommate! Akala ko naitanan ka na ni Nathan,” sabik na sabi nito nang kumalas ng yakap sa kanya. Umiling siya. Pareho lang ito ni Jeddan. “Ano ba? Hindi ako nakipagtanan,” aniya. “E bakit ang tagal mong bumalik dito?” “Wala akong choice, eh. Ayaw akong ihatid ni Nathan pabalik dito. Sorry, hindi kita na-inform.” “Okay lang. Ang impo