Chapter 14

2160 Words

NAKAPASOK na ang mommy ni Nathan at kaagad silang natunton. Malamang nag-teleport lang ito papunta roon dahil may araw pa.  Ang lakas din ng loob nito, eh. May dala itong pagkain na nakalagay sa maliit na food dispenser. “Nag-lunch na ba kayo?” tanong ng mommy niya. “Yes, Mom, katatapos lang,” mabilis niyang sagot. “Tamang-tama may dala akong dessert. Gusto mo ba ng mocha flavored Leche flan, Rhomz?” anito. “Yes po,” sagot naman ng dalaga. “O heto, kainin ninyo. Niluto ko ‘yan kagabi.” Inilapag ni Karen ang dessert sa ibabaw ng round table. Kumuha naman si Nathan ng dalawang kutsara at platito. Wrong timing talaga ang mommy niya. Pagbalik niya ay nagkukuwentuhan na ang dalawang babae. May pagka-tsismosa rin itong mommy niya, eh. Tama bang tanungin si Rhomz kung may nangyari sa kanila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD