PAGDATING sa villa ay dumeretso sa banyo ng kuwarto si Rhomz. Nagbanlaw kaagad siya. Nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi naging halimaw si Nathan at hindi siya napahamak. Magandang senyales iyon. Pero hindi siya puwedeng pakampante. Baka dahil umaga sila nagtalik kaya hindi naging halimaw si Nathan. Pero hindi pa rin siya mapakali. Pakiramdam talaga niya hindi si Nathan ang nakasama niya kanina. O baka talagang ganoon lang si Nathan sa tuwing umiiral ang dark side nito. Pagkatapos niyang maligo ay naghagilap siya ng damit. Mabuti natuyo na ang nilabhan niyang damit at underwear. Pinaplano niya na siya ang magluluto ng lunch pero naunahan na siya ni Nathan. Nag-alangan siyang tulungan ito. Hindi kasi niya alam kung paano ito kakausapin. Naglinis na lamang siya sa sala. Naaamoy na n