Chapter 19 Pinagbihis ni Nathan si Karen ng kanyang damit pagkatapos nitong pumayag sa kanyang offer na maging ama ito ng kanyang magiging anak. Kahit dismayado siya ay nagbihis nalang rin siya. Nawalan na rin ng apoy ang kanyang katawan ng muli niyang maalala si Nathaniel. Huminga ng malalim si Karen at pilit niyang inaalis sa kanyang isip ang kababata. Matagal na itong nawala sa kanyang buhay kaya oras na para kalimutan niya ito. Sa pagdating ni Nathan sa kanyang buhay ay muli nitong napatibok ang kanyang puso katulad ng pagpapatibok ni Nathaniel sa kanyang puso noon Marahil ito na nga ang tamang panahon upang palayain niya ang kanyang sarili sa kanyang malungkot na nakaraan. Forget about him. Forget him.. Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa kanyang utak upang makapag-move on na