Chapter 20 Paikot-ikot si Karen sa loob ng kanyang kwarto dahil hindi parin siya makapaniwala na hinatid lamang siya ni Nathan sa kanilang mansiyon imbis na tumuloy sila sa bahay nito May tamang oras daw sa pag-gawa nila ng bata at hindi pa raw sa gabing iyon. "Nathan naman kalerky ka. Bitin na bitin ako!" Inis na sambit niya habang palakad lakad siya sa loob ng kanyang silid Paano ba naman siya hindi mabibitin? Panay ang haplos ni Nathan sa legs niya habang nagmamaneho ito papunta sa kanilang mansiyon Ang buong akala pa naman niya ay gagawa na sila ng baby! Hindi man lang siya hinalikan ng good bye kiss ng mokong iyon! Ngunit inaya naman siya nitong makipag-date bukas at susunduin daw siya nito kaya kahit papaano ay nakontento na rin siya Naagaw ng nag-iingay niyang cellphone ang