Chapter 7

2600 Words
Chapter 7 Her POV Late akong nagising ngayon dahil hindi ako tinantanan ni Paul kagabi! Sobrang kulit ng loko, akala ko naman ngayong okay na sila ni Faith hindi na nya ko kukulitin pero mas naging makulit pa sya ngayon at hindi talaga ako tinantanan kagabi ng loko para inisin lang ako at ipaalala ang game nila kaya ang ending pumayag din akong manood kahit wala naman talaga akong balak kung malalaman lang ni Ej na manonood ako ng game ni Paul paniguradong magtatampo yon sakin. Bumangon na ko at nag ayos ng sarili ko at ng matapos ako bumaba na ko sa baba para kumain ng agahan. Hindi ko naabutan sila Mama at Papa baka nag punta na sila sa opisina kasi may kailangan asikasuhin si papa at kailangan nya si Mama ngayon kaya siguro wala na sila saka late na din naman kasi. Nang matapos akong kumain nag paalam na ako kay Manang na aalis na para pumasok “Manang papasok na po ako” paalam ko sa kanya “Sige mag iingat ka ah” sabi nya sakin kaya tumango ako at lumabas na saka nag pahatid kay manong papunta sa university. Nang makarating ako sa university ang dami ng mga estudyante ang asa field at nagkakaingay na din. Hindi muna ko dumiretso sa covered court at sa room ako dumiretso pero nakalock yon at ngayon ko lang naalala na pag nga palang may ganitong event sinasara lahat ng room dahil may mga estudyante na gumagawa ng milagro sa loob ng room. Umakyat na lang ako sa rooftop para doon muna mag lagi pero napaatras lang ako dahil madaming tao don na nag me-maintain ng mga halaman. Hindi naman ako pwedeng pumunta sa library dahil sarado din yon ngayon kaya sa music room na lang ako nag punta at nag bakasakali na bukas yon, sana pala hindi na lang ako pumasok tulad ng sabi ni Ej. Luckily bukas ang music room at may tao don sa may piano sa stage kaya hindi ako gumawa ng ingay at pumasok sa loob. Pinakinggan ko ang tinutugtog nya at nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Paano nyang nalaman ang tugtog na yon, iilan lang kaming nakakaalam non kaya nag simula ng kumabog ang dibdib ko at dahan dahan na lumapit sa may stage pero bigla syang tumigil at tumakbo palabas “Teka lang!” sigaw ko sa kanya pero mabilis syang umalis. Hindi ko din namukaan dahil naka suot sya ng hoodie at naka face mask. Lumapit ako sa piano sa stage at hinawakan yon, napabuntong hininga na lang ako. Nakakamiss din pala talagang tumugtog na kahit pigilan ko ang sarili ko hindi ko magawa, umupo ako at nagsimulang tumugtog at itinuloy ang tinutugtog ng taong umalis kanina. “Akala ko ba hindi ka hahawak ng kahit anong musical instrument lalo na ng piano?” tanong nya kaya napatigil ako at hinarap sya “Tiningnan ko lang kung kaya ko pa” sabi ko sa kanya at bumaba ng stage saka lumapit sa kanya. “Wala pa kayong game?” tanong ko sa kanya “Malapit ng mag start at saktong nadaan ako dito at narinig ko ang tugtog na yon kaya pumasok ako, iilan lang tayong nakakaalam nyan kaya hindi na ko nagtaka kung sino ang tutugtog nyan dito” sabi nya sakin “Before I enter a while ago may tao dito at same piece din ang tinutugtog” sabi ko sa kanya “At sya ang pumasok sa isip mo?” tanong nya sakin at umiling ako “Malabong mangyari yon dahil asa US sya diba” sabi ko sa kanya at napatango sya sakin. Lumabas na kami ng music room “Pupunta na ko sa practice, kung wala ka naman gagawin ngayon umuwi ka na lang at magpahinga sa bahay” sabi nya sakin “Alam ko ang gagawin ko” sabi ko sa kanya at tinalikuran na sya at naglakad papunta sa covered court ng may mabunggo akong tao at nalalaglag ang mga dala ko kaya isa isa ko yong pinulot. “I’m sorry” sabi nya sakin at tinulungan ako “Okay lang” sabi ko sa kanya at ngumiti “Hi I’m Liza, based on you ID taga dito ka” sabi nya sakin kaya napatango ako “I’m Althea” sabi ko sa kanya “Can you help me?” tanong nya kaya tumango ako sa kanya “Yes, tungkol ba saan?” tanong ko sa kanya “I here kasi para sa practice game against your school pero nawawala ako at hindi ko alam ang covered court nyo. Nalate kasi ako ng dating at hindi ko naman ma-contact ang mga teammate ko kung asaan sila ang alam ko lang kasi sa covered court daw ang laban” sabi nya sakin “Papunta ako don pwede kang sumabay sakin” sabi ko sa kanya kaya naman napangiti sya at sumabay sa paglalakad ko “Volleyball player ka?” tanong ko sa kanya at tumango sya sakin “Ikaw?” tanong nya “I’m not into sport” sabi ko sa kanya kaya napatango sya sakin at ng makarating kami sa covered court humarap sya sakin at nagpaalam “Thank you, see you when I see you” sabi nya at tumango lang ako sa kanya saka na sya tumakbo sa mga kasama nya. Hinanap ko naman sila ate Lynn at ng makita ko sya sa may bench kasama sila Pol lumapit ako sa kanila “Sino ung babaeng kasama mo?” tanong nila sakin ng makalapit ako sa kanila. “Nakilala ko lang kanina at nagtanong kung asaan daw ang covered court kaya isinama ko na dito dahil dito naman ang punta ko” sabi ko sa kanila at umupo sa tabi ni ate Lynn “Balita namin malakas daw ang volleyball girls ng kalaban nating school ngayon” sabi ni Pol “At ung kasama mo They yan daw ang Ace player nila” sabi nya sakin kaya napatingin ako sa gawi nila Liza “Kaya yan nila Leth” sabi naman ni ate Lynn at napatango ako at may hinanap sa kanila “Asaan si Paul?” tanong ko sa kanila “Ayon nakakalakad na ng diretso at parang hindi na injured!” sabi ni ate Lynn sakin kaya sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nya at nakita ko si Paul kasama si Faith na papalapit samin kaya siniko ako ni ate Lynn “Bakit?” tanong ko sa kanya “bakit ka dyan diba hinahanap mo” sabi nya sakin kaya napailing na lang ako. “Paul, I need to leave pero balik ako mamaya” sabi ni Faith sa kanya ng makalapit sila samin. “Okay good luck sa practice nyo” sabi ni Paul sa kanya at umalis na si Faith kaya humarap sya samin at umupo sa tabi ko “Akala ko hindi ka pupunta?” tanong nya sakin “Nangulit ka diba!” sabi ko sa kanya “Cheer for me when the game start” sabi nya sakin “Kay Faith mo sana sinabi yan” sabi ko sa kanya at bigla naman bumulong si ate Lynn “Selos ka?” tanong nya sakin kaya inirapan ko sya “Ano yon ate Lynn?” tanong ni Paul sa kanya “Wala! Lumapit na kayo kay coach at mag sisimula na ang laban nya” sabi ni ate Lynn kaya tumayo na si Paul at Pol “Cheer for us!” sabi nila samin at umalis na sila. “They bakit hindi mo sabihin kay Paul na may gusto ka sa kanya” biglang sabi nya kaya nanlaki ang mata ko at nilingon sya “Hoy anong sinasabi mong mag gusto ako sa kanya? May girlfriend ung tao saka magkaibigan lang kami” sabi ko sa kanya “Sya kaibigan ang tingin sayo pero ikaw hindi” sabi nya sakin kaya napailing na lang ako “Ate Lynn paulit ulit na lang tayo sa topic na yan! Wala akong gusto kay Paul, malapit lang kami sa isa’t isa kasi nga tinutulungan ko sya kay Faith at walang malisya don saka alam mo naman na wala sa isip ko ang pumasok sa pag-ibig” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Ang tagal na non They bakit hindi mo pa buksan yang puso mo saka nakaraan na yon” sabi nya sakin kaya pilit lang akong ngumiti sa kanya “Wala man akong alam sa nangyari sayo dahil kayo lang ni Ej ang nakakaalam pero base sa naging kwento mo sakin noon, sobrang tagal na non eh” sabi nya pa sakin. “Ate Lynn wag mong problemahin ang love life ko at wala kang mapapala! Masaya na ko ngayon” sabi ko sa kanya “Ewan ko na lang sayo They” sabi nya sakin at umiling. Tinawanan ko na lang sya at nanood na lang kami ng laban dahil magsisimula na. Ang ganda ng nagiging laban nila Paul dahil magaling din ang kalaban nila at hindi nakakaboring panoorin at habang nanonood kami ni ate Lynn biglang nag ring ang cellphone ko kaya kinalabit ko sya “Sagutin ko lang tong tawag na to” sabi ko sa kanya “Sige” sabi nya sakin kaya naman tumayo ako at naglakad palayo “They!” narinig kong tawag sakin ni ate Lynn kaya napalingon ako sa kanya at naramdaman ko na lang may tumamang bola sa ulo ko kaya napahiga ako sa sahig dahil sa impact non. “They!” tawag nila sakin pero nanlalabo na ang paningin ko at nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na ang sakit ng ulo ko at asa clinic ako. “Buti naman nagising ka na!” sabi ni ate Lynn at lumapit sakin “ano bang nangyari?” tanong ko sa kanya “Tinamaan ka ng bola kanina!” sabi nya sakin at napahawak na lang ako sa ulo ko na masakit “Bakit kasi hindi ka yumuko alam mo naman na asa kalagitnaan ng laro eh!” sabi nya sakin. “Sino ba nakatama sakin?” tanong ko sa kanya dahil sabay ang naging laro ng babae at lalaki kanina. “Ung kasama mo kanina na babae!” sabi nya sakin, kaya pala masakit eh ang lakas kasing pumalo non kanina. “Asaan na si They?” napalingon kami ni ate Lynn sa nagtanong at ng makita ako ni Paul lumapit agad sya samin “Tapos na ung game nyo?” tanong ko sa kanya “Kakatapos lang at dito agad kami dumiretso nila Leth” sabi nya at kasunod nya nga sila Leth “Ayos ka na ba They?” tanong ni Leth sakin kaya tumango ako sa kanya “Sigurado ka ba They?” tanong ni Paul sakin at tiningnan ang ulo ko at hinipo yon “Ayos na ko” sabi ko sa kanya at tinabig ang kamay nya ng bahagya. “Umuwi ka na kaya They wala naman ng gagawin ngayon para makapagpahinga ka” sabi ni Pol kaya tumango ako sa kanya “Ako na maghahatid sayo” sabi ni Paul kaya nilingon ko sya “Magkikita kayo ni Faith diba?” tanong ko sa kanya at tumango sya “Pero mamaya pa naman yon kaya ihahatid muna kita” sabi nya sakin “Oo nga magpahatid ka na kay Paul kesa mag intay ka pa ng sundo” sabi ni Ate Lynn sakin kaya tiningnan ko lang sya at ngumiti sya sakin kaya napailing na lang ako dahil binibigyan na naman nya ng meaning ang mga simpleng bagay lang. Lumapit naman samin ang nurse “Pwedeng lumabas na ung iba dahil ang dami nyo na” sabi nya kila Pol “Intayin na lang namin kayo sa labas” sabi nya kaya lumabas na sila at si Paul ang naiwan sakin. “Pwede na po ba syang umuwi?” tanong ni Paul sa nurse “Yes she can go!” sabi nya samin at may pinapirmahan lang at inalalayan na ko ni Paul na tumayo at sya ang kumuha ng gamit ko saka kami lumabas at sakto naman na paglabas namin dumating si Ej. “They what happened?” tanong nya sakin at ngumiti ako sa kanya “Natamaan ng bola pero okay na ko” sabi ko sa kanya “Sabi ko naman kasi sayo kanina umuwi ka na! saka bakit ka tinamaan ng bola? Wag mong sabihin na nanood ka ng laban kanina?” tanong nya kaya tumango ako sa kanya at napabuntong hininga na lang sya sakin at umiling “I will call your driver para makauwi ka na” sabi nya sakin “Ihahatid ko na sya” sabi naman ni Paul kaya natigilan si Ej at tumingin saming dalawa “Okay” sabi ni Ej sa kanya “May laro pa kasi kami nag halftime lang kaya nakaalis ako at narinig ko lang na tinamaan ka nga daw ng bola kaya pumunta ko dito” sabi nya sakin. “Bumalik ka na sa gym” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin “I will call you later” sabi nya kaya tumango ako sa kanya at umalis na sya. “Mauna na kami” sabi ni Paul sa kanila “Tell coach na babalik ako later or maybe bukas na lang ako mag papractice may excuse naman ako!” sabi nya kay Pol “Sige ako na bahala! Alam naman ni coach na kailangan mong magpahinga at ingat kayo” sabi ni Pol samin at umalis na kami ni Paul papunta sa parking lot kung asaan ang kotse nya. Pinagbuksan nya ko ng pinto at sumakay na ko sa loob at ganon din sya at nagsimula ng mag drive. “Ej was so worried to you” sabi nya sakin kaya nilingon ko sya “Lagi naman ganon sakin yon” sabi ko sa kanya “are you and Ej have something?” tanong nya kaya nanlaki ang mata ko sa tanong nya “Sira ka ba? Magkababata kasi kami at para ng kapatid ang tingin namin sa isa’t isa.” Sabi ko sa kanya “Pero iba kasi ang closeness nyong dalawa” sabi nya sakin “May ibang mahal si Ej at wala sya dito sa bansa, loyal yon sa babaeng mahal nya” sabi ko kay Paul “Sigurado kang hindi ikaw ang gusto nya?” tanong nya kaya tumango ako “Oo naman dahil kilala ko ang babaeng mahal na mahal ni Ej, actually naging sila pero naghiwalay din dahil LDR pero mutual decision naman at nagkakausap pa din sila wala nga lang label pero mahal nila ang isa’t isa.” Sabi ko sa kanya at napatango sya “Don’t tell Ej na nasabi ko syao to dahil gusto nya ng privacy” sabi ko sa kanya “I won’t tell anyone don’t worry” sabi nya sakin. Nang makarating kami sa bahay namin bumaba na agad ako at ganon din sya “Thank you as paghatid” sabi ko sa kanya “Welcome! Kung hindi mo kayang pumasok bukas mag sabi ka lang at ipagpapaalam ka namin” sabi nya sakin “Tinamaan lang naman ako ng bola sa ulo at wala lang to!” sabi ko sa kanya at ngumiti. Nakita ko naman na dumaan ang kotse ni Faith kaya sinabi ko yon kay Paul “Magkikita kayo ni Faith diba?” tanong ko sa kanya at tumango sya “Kakauwi nya lang ata dahil dumaan na ung koste nya, you can go to her na” sabi ko sa kanya “Sige maiwan na kita” sabi nya sakin kaya tumango ako at hinayaan syang umalis papunta kila Faith. Pumasok na ko sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko saka nahiga. Dapat pala talaga nakinig na lang ako kay Ej at hindi na lang pumasok hindi na sana ko natamaan ng bola. Napatayo ako ng may biglang kumatok kaya binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si manang na may dalang box. “Bakit po?” tanong ko sa kanya “May nagpadala nyan kanina at para sayo daw” sabi sakin ni manang at inabot ang box “Sige po Salamat” sabi ko sa kanya at kinuha ang box na dala nya saka yon ipinasok sa loob at umalis na sya. Sino naman ang magbibigay sakin nito? Ibinaba ko sa lamesa ang package at tiningnan ko kung saan galing. Wala akong alam na magbibigay sakin nito at wala naman akong inoorder na kahit ano kaya hinanap ko kung saan sya galing pero hindi ko makita kaya naman binuksan ko na lang sya at ng mabuksan ko na nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan yon ng lungkot kasabay non ay ang pagtunong ng cellphone ko. Pagkalipas ng ilang taon may gana pa syang magparamdam sa lahat ng nangyari at sa ginawa nya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD