Chapter 6
Her POV
Napaatras na lang ako dahil sa nakita ko, hindi ko yata kayang pumasok sa loob o similip man lang “O bakit?” tanong sakin ni ate Lynn “Wag na lang tayong pumasok sa loob dala naman natin ung wallet natin” sabi ko sa kanya at hinila sya palayo don. “Uy They anong problema?” tanong nya sakin “Wala” sagot ko sa kanya pero huminto sya sa paglalakad kaya napahinto din ako. “They ung totoo may problema ba?” tanong nya kaya umiling ako at ngumiti “Asa loob si Faith kaya hinila kita paalis para hindi natin maistorbo ung dalawa, minsan na nga lang sila magsamang dalawa maiistorbo pa natin” sabi ko sa kanya at hinila na sya papunta sa canteen para bumili ng pagkain namin “They sigurado ka na yon lang? ano ba kasi ung nakita mo?” tanong nya sakin kaya natigil ako sa paglalakad “Hindi naman na mahalaga ang nakita ko” sabi ko sa kanya “Sige They iisipin ko na lang na wala din akong nakita” sabi nya at nauna ng maglakad sakin, nakita din pala nya. Sumunod na lang ako sa kanya at dumiretso kami sa canteen para bumili ng pagkain. Wala pa naman mga estudyante pero mamaya mapupuno na to dahil after ng practice dito panigurado didiretso ang mga player para kumain. “Ate Lynn hanap lang ako ng pwesto natin” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin at dumiretso sa mga pagkain. Nang makakita ako ng pwesto sakto naman na dumating si Anthony kaya tinawag ko sya “Anthony dito ka muna” sabi ko sa kanya “Sige ikaw na lang ba bibili ng food ko?” tanong nya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay. “Iwan mo na lang pala yang dal among gamit” sabi ko sa kanya at ginawa nya ang sinabi ko at sabay kaming lumapit ni Anthony kay Ate Lynn na kasalukuyan na namimili ng pagkain. “May napili ka na?” tanong ko sa kanya “Para sakin at kay Pol meron na pero ung sayo wala pa” sabi sakin ni Ate Lynn kaya nagsimula na kong pumili ng pagkain ko. “Ate vegetable salad nga po saka isang clubhouse sandwich” sabi ni Anthony kaya tinaasan namin sya ni Ate Lynn ng kilay at nagkibit balikat lang sya “Diet ako eh” sabi nya samin kaya nailing na lang ako. “Hoy Anthony maka-diet ka naman parang kailangan mo” sabi ni ate Lynn sa kanya kaya inirapan sya ni Anthony. “Ate Lasagana po sakin” sabi ko at kinuha ang order ko saka nagbayad, ganon din ang ginawa nila saka kami pumunta sa pwesto namin at naupo sakto naman na dumagsa na ang tao sa canteen at dumating na din ang ibang mga player. Nang makita kami nila Pol lumapit sila samin ganun din si Ej “Kain na” yaya ko sa kanila “Bibili muna ko ng akin, wala naman akong girlfriend na bibili din ng pagkain ko eh” sabi nya kaya tumawa kami sa kanya “Sige na bumili ka na!” sabi ko sa kanya at dumating na din sila Leth at Aih kaya sabay na silang tatlong bumili ng pagkain. Si Pol tumabi kay ate Lynn “Asan si Paul?” tanong nya samin ni Pol at nag iwas ako ng tingin. “Oo nga asan si Paul diba kasama nyo sya ni ate Lynn, They” sabi ni Anthony sakin “Naiwan sa room” sagot ko sa kanila “Bakit?” tanong nila sakin. “Kasama nya si Faith” sagot ko sa kanila at dumating na sila Ej kaya umasog na kami at tumabi sakin si Ej at nagsimula na kaming kumain na lahat.
Nang matapos ang lunch namin nagsibalik na sila sa practice at sumama si ate Lynn kila Pol papunta sa covered court at sila Anthony, Leth at Aih naman may inayos. Nilingon ko si Ej na asa tabi ko “Hindi ka pa babalik sa gym para mag practice?” tanong ko sa kanya “Alam mo ba kung sino ang makakalaban namin bukas?” tanong nya sakin kaya kumunot ang noo ko at umiling “Hindi saka ano naman pakielam ko don” sagot ko sa kanya “Wag ka na lang pumasok bukas wala naman klase” sabi nya sakin kaya mas nagtaka ako “Bakit ba? Ano bang meron bukas?” tanong ko sa kanya “Wala, nakita ko lang kasi ung line up ng kalaban namin” sabi nya sakin “Ung totoo Ej anong meron?” tanong ko at ngumiti sya sakin saka ginulo ang buhok ko kaya tiningnan ko sya ng masama “Wala nga They” sabi nya sakin at iniwan ako kaya hinayaan ko na lang sya. Ako na lang mag isa kaya nagdesisyon na akong bumalik sa room para kunin ang gamit ko, sana naman wala na don si Faith at Paul.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto at wala akong naabutan na kahit na sinong tao don kaya naman dumiretso na ko para kunin ang gamit ko at nang makuha ko na lumabas ako saka dumiretso sa library para doon maglagi hanggang sa matapos ang class hour. Pag pasok ko sa library wala naman tao kaya malaya akong nakapwesto sa gusto kong pwesto at binuksan ang laptop ko para simulan ang hindi ko natapos kanina saka nag suot ng earphone para makinig ng music. Hindi naman porket ayoko ng tumugtog hindi na din ako makikinig ng music. Tama din naman ang sinabi sakin ni Ej na may nagbago nga pero hindi ko tinatanggap sa sarili ko. Ilang taon naman na kasi ang nakalipas pero ung sugat andito pa din sa puso ko. Mabilis kong natapos ang trabaho ko dahil walang nang istorbo sakin kaya naman pintay ko na ang laptop ko at tinago yon sa bag ko saka inalis ang earphone ko saka tumayo para lumabas ng library at nagplanong umuwi na. Patapos na din naman kasi ang oras ng klase kaya pwede na kong umuwi, open gate naman kasi nga college na kami at malaya na kaming lumabas ng campus. Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si Paul na naglalakad ng paika-ika kaya lumapit ako sa kanya “Paul saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya at inalalayan sya paupo sa gilid. “Pupuntahan ka” sabi nya sakin “Bakit mo naman ako pupuntahan?” tanong ko sa kanya “Wala lang, sabi kasi nila ate Lynn kanina mag isa ka lang daw kaya sasamahan kita” sabi nya sakin “Kaya ko namang mag isa” sabi ko sa kanya “Saka diba kasama mo si Faith kanina, asan sya ngayon bakit mag isa ka?” tanong ko sa kanya “Umuwi na dahil tinawagan ng daddy nya” sagot nya sakin at napatango na lang ako. “So ayos na kayo?” tanong ko at tumango sya sakin. “Buti naman ayos na kayong dalawa so tapos na pala ang pag papayo ko sayo” sabi ko sa kanya at ngumiti. “Magkaibigan pa din namana tayo” sabi nya sakin kaya tumango ako. “Oo naman, sana Hindi na kayo mahirapan ni Faith” sabi ko sa kanya at tinapik sya sa balikat.
Sandaling walang nagsalita saming dalawa “Samantha manonood ka ba ng laban bukas?” tanong nya sakin kaya umiling ako “Bakit?” tanong nya “Hindi ako interesado sa sports” sabi ko sa kanya “Manonood ka dahil maglalaro na ko bukas” sabi nya sakin kaya nilingon ko sya “Paano kang maglalaro bukas diba injured ka?” tanong ko sa kanya “Pwede naman na daw sabi nung nurse saka pumayag naman na si coach” sabi nya sakin “Sure ka ba talaga? Baka naman mamaya mas lumala pa yang injured mo” sabi ko sa kanya “Concern ka?” tanong nya “Hindi” sabi ko sa kanya “Weh? Totoo hindi ka condern?” tanong nya ulit at mas lumapit pa sakin kaya lumayo ako sa kanya “Hindi nga! Saka bakit naman ako magiging concern sayo?” tanong ko sa kanya at nag iwas ng tingin. “Kung hindi ka concern sakin bakit mo ko inalalayan at bakit ayaw mo kong paglaruin bukas?” tanong nya kaya umirap ako sa kanya “Hindi ba obvious na injured ka pa nga kasi” sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong akbayan “Concern ka kasi aminin mo na” sabi nya pa sakin “Oo na sige na concern na!” sabi ko at inalis ang pagkakaakbay nya sakin saka tumayo. “Oh, saan ka pupunta?” tanong nya “Uuwi na” sagot ko sa kanya “Samahan mo muna ko” sabi nya sakin “Paul gusto ko ng umuwi” sabi ko sa kanya “Sige pero ihahatid kita” sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay “Ihahatid mo ko ng ganyan ang sitwasyon mo?” tanong ko sa kanya, paano syang makakapagdrive kung injured nga sya? Nasisiraan na ba sya. “Ihahatid kita sa may parking lot kung asaan ung sundo mo” sabi nya sakin “Hindi, dito ka na lang dahil pag may nangyari pa dyan sa paa mo edi hindi ka nakalaro bukas” sabi ko sa kanya at tinalikuran na sya. “I will call you later” pahabol na sabi nya sakin at tumango na lang ako sa kanya at patuloy na naglakad papunta sa parking lot kung asaan ang sundo ko. “May iba pa po ba tayong pupuntahan?” tanong sakin ni Manong “Wala na po sa bahay na po tayo dumiretso” sabi ko kaya nagsimula na syang mag drive.
Nang makarating kami sa bahay agad akong umakyat at pumasok sa kwarto ko para magpalit ng damit at magpahinga saglit bago ako bumaba. Hindi ko alam na nakaidlip pala ko habang nagpapahinga ako at ng magising ako gabi na at oras na ng dinner namin kaya naman agad akong bumaba at nakasalubong ko si Mama “Buti naman at bumaba ka na, kakain na tayo” sabi nya sakin at sabay na kaming bumaba na dalawa at nag tungo sa dining area kung asaan si Papa. “Let’s eat” sabi nya kaya nagsimula na kaming kumaing lahat “Nga pala aalis kami ng mama mo bukas para pumunta sa kompanya dahil may importante kaming aasikasuhin” sabi ni papa sakin “Sige po saka may pasok naman po ako bukas” sabi ko sa kanila “Wala naman kayong klase diba sabi ni Ej you can join us if you want” sabi ni Mama sakin, si Ej talaga kahit kelan! “Hindi na po may aasikasuhin po kasi ako bukas para sa foundation” sabi ko sa kanila at tumango si papa “Kung ganon hindi na kita pipilitin pa” sabi ni mama at bumalik na sa pagkain. Ang hirap ng may kababata ka na malapit sa magulang mo. Hindi ko alam kung paano nasabi ni Ej kila mama or baka naman nagkita sila ng parents ni Ej well baka nga. Nang matapos kaming kumain umakyat na ko sa kwarto ko para matulog pero pahiga pa lang ako sa kama ko bigla ng tumunog ang cellphone ko at sino pa ba nag tatawag sakin kung hindi si Paul lang. “Hello” bungad na sabi ko sa kanya “You’re not busy right?” tanong nya sakin “Yes, I’m not may kailangan ka?” tanong ko sa kanya “Pag ba tumatawag ako may kailangan lagi ako?” tanong nya sakin. Well lagi naman syang may kailangan sakin pag tumatawag sya “Oo, hindi ba obvious nitong mga nakaraan na araw lang” sabi ko sa kanya “Galit ka na nyan?” biro nya sakin “Ewan ko sayo Paul Joshua!” sabi ko sa kanya at umiling. “Mainit na naman ang ulo mo, sino ba nag papainit nyan? Baka mamaya may tinatago ka sakin ah” sabi nya “Wala akong tinatago sayo saka bakit ka tumawag?” tanong ko sa kanya, ano ba ang itatago ko sa kanya baka nga sya ang meron “Wala, masaya lang ako” sabi nya sakin kaya napahiga na lang ako sa kama ko. Halata naman na masaya sya dahil nagkabalikan na sila. “Dahil nagkabalikan na kayo” sabi ko sa kanya “Bakit alam mo?” tanong nya sakin. Alam ko kasi hindi naman ako tanga at bulag sa nakita ko kanina. “Halata naman sayo, hindi ka naman magiging ganyan ka saya kung hindi kayo nagkabalikan saka sinabi mon a yan kanina sakin” sabi ko sa kanya at pinaalala na magkausap kami kanina. “Oo nga pala pero hindi ko naman sinabi na kami na sabi ko lang ayos na kami” sabi nya sakin “Ganon din naman yon Paul” sabi ko sa kanya.
Masaya sya kasi sila na ulit ni Faith at bilang kaibigan nya masaya din ako para sa kanya pero bakit ganito tong puso ko may kung anong hindi maipaliwanag simula pa kanina kaya napahawak na lang ako sa dibdib ko at dinama ang t***k ng puso ko. Ang huling beses na nagkaganito ako ay hindi maganda ang kinalabasan kaya eto ako ngayon.