Chapter 5

2386 Words
Chapter 5 Her POV Hindi nagparamdam sakin si Paul kahapon dahil na din siguro kasama nya si Faith at ito ang nag aalaga sa kanya. Wala naman kaso sakin yon pero hindi lang siguro ako nasanay na hindi ko sya kausap or hindi sya nagtetext sakin. Masyado kasi akong naging malapit sa kanya at dapat dumistansya na ko. Dirediretso lang akong pumasok sa room namin at wala akong naabutan na tao don kahit isa man lang kaya tiningnan ko ang oras sa relo. “Asaan sila?” tanong ko sa sarili ko at nasagot yon ng makarinig ako ng ingay sa labas kaya naman lumabas ako at narinig ko ang mga tili ng mga estudyante sa gym at sa covered court! May practice siguro ngayon kaya walang klase. Bumalik na lang ako sa room at naupo sa pwesto ko saka binuksan ang laptop ko at ginawa na lang ang mga hindi ko pa natatapos na gawain para sa linggo na to. Most of the students are watching the game kahit na practice lang yon, habang busy ako sa ginagawa ko biglang bumukas ang pinto ng room at pumasok don si Paul kasama si Pol. “Uy They sakto andito ka pala at may kasama na si Paul” sabi nya sakin at lumapit silang dalawa sakin. “Bakit kayo andito diba may practice kayo?” tanong ko sa kanila. “Ako meron pero si Paul wala muna dahil injured nya at matinding practice ang pinapagawa samin ni coach ngayon dahil bukas may dayong dadating para makalaban namin pero hindi naman seryosong labanan.” Kwento ni Pol sakin “good luck!” sabi ko sa kanya at tinanguan ako ang umalis na kaya naiwan na lang kaming dalawa ni Paul dito sa room. “Kamusta ang paa mo?” tanong ko sa kanya at isinarado ang laptop ko saka humarap sa kanya. “Hindi na masakit pero kailangan ilakad ng dahan dahan saka bawal munang maglaro ngayon o kahit na magpractice, sayang nga at hindi ako makakalaro bukas” sabi nya sakin “Wala kang magagawa kailangan mong ipahinga yang paa mo” sabi ko sa kanya at nagkibit balikat “Alam ko naman, Salamat nga pala sa pagsama mo sakin kahapon sa clinic.” Sabi nya sakin kaya kumunot ang noo ko, hindi ko nga sya nabantayan dahil dumating si Faith. “Hindi ba dapat kay Faith ka nagpapasalamat hindi sakin dahil sya ang nagbantay sayo” sabi ko sa kanya “I already did at nakapag usap na nga kami, hindi ko nga alam kung pagpapasalamat ako na na injured ako dahil nakapag usap kami” sabi nya at ngumiti. “Sira ka pero at least nakapag usap nga kayo ni Faith, so okay na kayong dalawa?” tanong ko sa kanya pero umiling sya kaya tinaasan ko sya ng kilay. “Hindi pa din?” tanong ko at tumango sya sakin. “Bakit? Akala ko ba nakapag usap na kayo?” tanong ko. Umayos sya ng upo at sinagot ang tanong ko “Nakapag usap nga kami pero hindi naman kami nagkaayos na dalawa” sabi nya “She was worried when she saw you yesterday” sabi ko sa kanya dahil totoo naman, noong pinuntahan sya ni Faith kahapon halata sa muka nito ang pag aalala. “Nag aalala nga sya pero hindi pa din naman yon naging dahilan para magkabalikan kaming dalawa” medyo malungkot na sabi nya. Sabagay hindi naman porket nag alala si Faith sa kanya magiging dahilan na yon ng pagbabalikan nilang dalawa. “Did you ask her?” tanong ko at tumango sya sakin “I did pero bago ko pa man maituloy ang sinasabi ko sa kanya inunahan nya na ko at sinabi ang totoong rason sa lahat” sabi nya kaya mas na curious ako at nagtanong sa kanya “What did she tell?” tanong ko. “Her Dad is the reason why she wants us to break up” sabi nya na nagpalaki ng mata ko. If Daddy ni Faith ang dahilan mahihirapan nga talaga sya pero sa tagal nila at halos buong campus ang may alam ng relasyon nila bakit ngayon lang kumontra ang daddy ni Faith o may iba pa talagang dahilan? “Yon lang ang sinabi nya sayo na dahilan?” tanong ko sa kanya at isang tango ang naging sagot nya sakin. Kung yun ang dahilan kahit anong gawin siguro nya kung kontra ang daddy ni Faith sa kanya baka nga malabong magkabalikan silang dalawa. Hindi ko naman kilala ung father ni Faith pero base sa mga naririnig ko sobrang strikto daw non lalo na kay Faith, gusto kong sabihin kay Paul na sukuan na lang nya si Faith dahil sa sitwasyon nila ngayon wala syang magiging laban pero kasi umaasa pa din sya at alam kong hindi sya makikinig sa sasabihin ko kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. Sa totoo lang ang hirap ng sitwasyon nya, I never though na magiging ganito si Paul sa pagmamahal nya kay Faith, He will do everything for her. Hindi sya ung Paul na sinasabi ng lahat na maloko at hindi seryoso. Ibang iba sya! Pag nagmahal sya talagang ibinibigay nya lahat para sa babaeng mahal nya. We have a moment to silence when the door suddenly open and Ate Lynn entered “Oh, bat ang tahimik nyong dalawa?” tanong nya at umupo sa pagitan namin ni Paul. “Wala, ano ba dapat ang pag usapan namin?” tanong ko sakanya at tinaasan nya lang ako ng kilay saka bumaling kay Paul. “So kamusta ang lagay mo at base sa source ko binantayan ka daw ni Faith kahapon” sabi nya at tumingin sakin kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil mang iintriga na naman sya! “Do I need to report everything? Binatayan ako ni Faith kahapon and un lang yon” sabi ni Paul kay ate Lynn kaya tinanguan lang sya nito at ako naman ang tiningnan. “Ano?” tanong ko sa kanya at ngumiti sya sakin. “Saan ka nagpunta kahapon kung si Faith ang nagbantay kay Paul?” tanong nya kaya naman timingin din sakin si Paul “Oo nga pala saan ka nag punta kahapon?” tanong din nya sakin. “Umuwi ako, wala naman na kasi akong gagawin dito sa school non kaya umuwi na lang ako” sabi ko sa kanila dahil totoo naman na umuwi ako. “Eh sino ung tumugtog daw sa music room kahapon, pinag uusapan ng mga estudyante sa covered court kahapon yon.” Kwento ni Ate Lynn “Hindi ko alam saka imposible naman na ako yon eh wala naman akong talent sa ganun” sabi ko sa kanilang dalawa kahit na ang totoo ay tumugtog nga ako kahapon don pero hindi ko naman alam na may nakarinig pala sakin, I should be careful saka sabagay hindi ko naman na gagawin ulit yon, matagal na akong tumigil sa pagtugtog. “Sabagay nga naman hindi ka nga pala marunong tumugtog ng piano” sabi ni Ate Lynn at tumango ako sa kanya. Si Ej lang naman ang tunay na nakakakilala sa pagkatao ko at kung sino ba talaga ako dahil magkababata kami. “Hindi ka ba pupunta kay Pol ate Lynn?” tanong ko sa kanya “Galing na ko don ang sabi nga nya andito daw kayong dalawa kaya pumunta ko dito hindi ko naman siguro kayo na istorbo sa kung ano man ang ginagawa nyong dalawa sabihin nyo lang aalis ako” sabi nya samin kaya nailing na lang ako. Ano ba ginagawa namin ni Paul? Nag uusap lang naman kami tungkol sa relasyon nila ni Faith at wala ng iba saka walan namang bago pag si Paul ang kausap ko laging si Faith ang topic namin hindi na ko nagtataka. “Wala naman kaming ginagawa ni They nag uusap lang tungkol sa buhay ko” sabi ni Paul kaya tumango ako. “Nga pala diba binantayan ka ni Faith kahapon edi okay na kayong dalawa?” tanong nya kay Paul at gusto ko na lang matawa dahil yan din ang tanong ko kanina sa kanya. “Hindi pa kami okay, paano kami magiging okay na dalawa kung ang daddy nya ang may ayaw sakin” sagot ni Paul kay ate Lynn sa totoo lang ayoko ng makinig dahil wala din naman akong magagawa para tulungan sya dahil kung hindi sya kikilos ng sa kanya lang none sense lang lahat ng sasabihin ko. “Ang drama naman ng love life mo Paul bakit kaya hindi mo na lang hiwalayan si Faith eh madami naman ibang babae dyan na handa kang mahalin at hindi ka sasaktan diba They!” sabi ni ate Lynn at bigla akong siniko. “Ate Lynn choice ni Paul na hindi bumitaw sa relasyon nila ni Faith, let him” sabi ko sa kanya. Inayos ko na lang ang gamit ko at itinago sa bag ang laptop ko dahil hindi naman ako makakagawa ng gagawin ko dahil andito silang dalawa ngayon. “They ikaw ba kung ikaw ang asa posisyon ni Paul anong gagawin mo?” tanong sakin ni Ate Lynn. Kung ako ang asa posisyon ni Paul? “Susuko na lang ako” sagot ko sa kanya. Sa pinagdaanan ko kung mapupunta ako sa posisyon ni Paul susuko na lang ako kahit mahal ko pa sya. “I will just give up, mahal nga namin ang isa’t isa pero hindi naman kami pwede. Ayokong makipagpilitan kung sa huli kami ang talo. Matured na tayo at alam na natin ang realidad ng buhay kaya let’s not be jailed to an idea of a happy ever after” sagot ko sa kanila “Kung hindi talaga kita kilala They at sinasabi mo yan samin ngayon iisipin ko na sobrang dami mo ng pinagdaanan” sabi sakin ni Ate Lynn kaya ngumiti ako sa kanya. “Wag na lang natin pag usapan ang buhay pag ibig ng bawat isa pwede!” sabi ko sa kanya at bumaling kay Paul “Kung ano ang desisyon mo susuportahan kita” sabi ko sa kanya “Thank you They” sabi nya sakin at inakbayan ako na ikinapula ng pisngi ko kaya napayuko na lang ako pero hindi yon nakaligtas kay Ate Lynn at ngumiti sya ng nakakaloko sakin. Inalis ko ang kamay ni Paul na nakaakbay sakin saka lumayo sa kanya at lumapit kay Ate Lynn. “Wala tayong klase diba?” tanong ko sa kanila “Oo wala” sagot naman nila sakin. “Edi wala tayong gagawin?” tanong ko ulit at tumango sila “Tara na lang sa garden sa roof top” suggest ni Ate Lynn “Ate Lynn injured si Paul hindi sya makakaakyat” sabi ko sa kanya “Oo nga pala, hindi tayo makakaalis dito dahil hindi naman natin kayang alalayan sya” sabi nya pa kaya tumango ako. “Kung gusto nyong umalis you can go” sabi nya samin kaya nilingon ko sya “Wala kang kasama dito paano kung may mangyari sayo” sabi ko sa kanya “They okay lang ako saka walang mangyayari sakin, injured lang naman ang paa ko pero kayo ko ang sarili ko” sabi nya. “Kung ganon naman pala edi tayo na lang They” sabi sakin ni ate Lynn at bigla akong hinila palabas ng room at dinala sa roof top. Kaming dalawa lang ngayon ang tao dito dahil lahat ng estudyante ay sa covered court, open field at gym para manood ng practice ng mga players. “Ang sarap ng hangin!” sabi ni ate Lynn at naupo sa bench chair malapit sa halaman. Etong rooftop ang kadalasang tambayan namin dahil madaming halaman dito at may bubong sya para kahit mainit hindi direktang tatama sayo ang araw saka wala masyadong pumupunta dito dahil madaming tamabayan sa baba. “Bakit ka ba nagyaya dito?” tanong ko sa kanya at umupo sa tabi nya. “Wala lang, gusto lang kitang kausapin ng tayo lang dalawa” sabi nya sakin kaya kumunot ang noo ko. “Bakit? Anong gusto mong pag-usapan nating dalawa?” tanong ko sa kanya. “Ang nararamdaman mo” sabi nya kaya bahagya akong natawa “Anong meron sa nararamdaman ko ate Lynn?” tanong ko sa kanya “Anong pakiramdam na makita si Paul kasama ni Faith kahapon?” tanong nya sakin. “Anong klaseng tanong yan ate Lynn?” balik na tanong ko sa kanya. Anong mararamdaman ko? Wala naman akong nararamdaman “Just answer my question They!” sabi nya kaya sinagot ko sya “Wala ate Lynn” sagot ko pero ngumiti sya sakin. “Noong tinawagan kita alam kong pauwi ka pero bakit tumakbo ka mula sa parking lot hanggang sa covered court para lang tingnan si Paul? Pwede naman na umuwi ka na lang diba dahil ang dami namin don para sa kanya pero bakit bumalik ka pa?” tanong nya sakin na nagpatahimik ng sandali sakin. “Bakit hindi mo masagot ang tanong ko?” tanong nya sakin. Ano ba nag gusto nyang palabasin? “Ate Lynn sabi mo emergency kaya syempre nag alala ako akala ko kung ano ang nangyari” sagot ko sa kanya “They nangyari kay Anthony ang nangyari kay Paul at asa ganon ka ding sitwasyon pero hindi mo tinakbo mula parking lot at covered court, umuwi ka non They!” sabi nya kaya naman nawalan ulit ako ng kibo. “They sinasabi ko to kasi may napapansin ako sayo at kay Paul, ayokong masaktan ka” sabi nya sakin kaya ngumiti ako sa kanya at sumandal sa balikat nya. “Ate Lynn okay lang ako saka magkaibigan lang kami ni Paul at hindi na lalagpas pa don.” Sabi ko sa kanya “Sinasabi ko lang ang napapansin ko They pero kung saan ka masaya susuportahan kita” sabi nya sakin. “Thank you ate Lynn pero sigurado akong wala akong feelings kay Paul dahil hindi pa handa tong puso ko” sabi ko sa kanya at tumango na lang sya sakin. Nag stay pa kami dito sa rooftop ng ilang oras bago namin napagdesisyonan na bumaba na at bumalik sa room dahil malapit ng mag lunch time. Ako ang naunang maglakad samin ni ate Lynn dahil busy pa sya sa phone nya kaya naman pinihit ko na ang doorknob at dahan dahan binuksan ang punto pero natigilan ako sa nakita ko sa loob ng room. “Bakit ka huminto?” tanong sakin ni Ate Lynn at sinundan ang tinitingnan ko. Paul and Faith kissing each other inside, napahawak na lang ako sa dibdib ko ng may maramdaman akong kakaibang sakit na hindi ko maintindihan. Ano ba tong nararamadaman ko? May parang sumaksak sa puso ko dahil sa nakita ko ngayon lang. Wala naman akong nararamdaman para kay Paul pero bakit ganito? Eto din ang naramdaman ko noong mga panahon na nasasaktan ako pero iba ang sitwasyon ngayon. Hindi ko mahal si Paul at kaibigan lang ang turing namin sa isa’t isa. Hindi kaya tama si Ate Lynn at si Ej na may nararamdaman na nga ako sa kanya pero hindi pwede. Sarado ang puso ko at hindi ako handa para sa ganito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD