Chapter 13
Her POV
I don’t know what happened last night because I can’t think straight! Ang tumatakbo lang sa isip ko kagabi ay ung pinag-usapan namin ni Patricia sa sasakyan noong pauwi kami sa bahay namin para i-celebrate ang pagkapanalo ni Ej at para na din i-welcome sila. Tuwang tuwa nga si Mama kagabi noong makita sila Kaye at isa na nga lang daw ang kulang at kumpleto na kami kaya bahagyang tumahimik ang lahat. Our parents don’t know what happened in the past because we choose not to tell them. We are all grown up and what happened to us stay inside. Inayos ko na lang ang sarili ko saka bumaba sa baba kung saan naabutan ko si Paul na kausap si Papa ng ganito kaaga. “Hey what are you doing here?” tanong ko sa kanya “I’m here to pick you up” sabi nya sakin kaya tumingin ako kay papa “I already gave my permission to him” sabi ni papa sakin kaya napatango ako. “Teka lang gagayak lang ako” sabi ko kay Paul at bumalik ulit sa taas para pumasok sa kwarto ko at magbihis. Alam ko naman na may lakad kami pero hindi ko alam na ganito kaaga kami aalis. Naghanap lang ako ng komportableng damit at isinuot yon saka inayos ko ang gamit na dadalin ko saka bumaba na. “Tito, Tita aalis na po kami” sabi nya kila mama ng makita ako “Mag-iingat kayo and bring her back in whole!” sabi ni Papa kay Paul “Yes po” sagot naman nya kay papa at lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse nyang nakaparada sa harap ng gate namin "Saan pala tayo ngayon" tanong ko sa kanya ng paandarin na nya ang kotse nya. "Dyan lang" sagot nya sakin pero hindi ako kuntento sa naging sagot nya kaya kinulit ko sya "Saan nga tayo pupunta ngayon? At ano nanaman ang trip mo?" tanong ko sa kanya "Road trip lang tayo dahil wala naman pasok bukas" sabi nya sakin "tayong dalawa lang?" tanong ko sa kanya "Oo saka don't worry wala akong gagawin sayo" sabi nya sakin saka tumawa kaya napailing na lang ako "Gago alam kong wala" sabi ko sa kanya saka sya binatukan "They nag dadrive ako ah" reklamong sabi nya sakin. "Alam ko kaya sige na focus on the road" sabi ko sa kanya tapos iniharap ko ung muka nya sa daan. “Nga pala They kamusta ung pag-uusap nyo kahapon?” tanong nya sakin “Everything went well, nag usap usap kami tungkol sa mga nangyari noon at kinalimutan na ang mga dapat kalimutan” sabi ko sa kanya “Did you also talk about the person who did that to you?” tanong nya sakin “Yes pero hindi na namin masyadong pinag-usapan yon dahil hindi naman don ang issue” sabi ko sa kanya “Are you ready to tell me the details?” tanong nya sakin kaya napabuntong hinginga ako at tumango “Kababata ko sila, namin ni Ej. Simula bata pa lang magkakasama na kami same village, school and high school pero nitong nag college na kami bigla na lang silang naglaho ng parang bula kung kelan kailangan ko sila noon kaya ganon na lang ang reaksyon ko ng makita ko sila kahapon dahil after three years na walang paramdam bigla na lang silang babalik na parang walang nangyari kaya masama ang loob ko pero sabi mo nga acceptance lang ang kailangan saka tama ka na matagal naman na yon at kailangan natin na magpatawad” sabi ko sa kanya “I’m glad that you really learn how to forgive and forget” sabi nya sakin “I’m still on the process of forgetting things” sabi ko naman sa kanya “Don’t forget that I’m here to help you” sabi nya sakin kaya tumango ako. Buong araw kaming dalawang magkasama at kung ano anong kalokohan ang ginagawa namin hanggang sa naisipan namin na pumunta sa Amusement park. "Ano game ka ba sa mga rides?" Tanong nya sakin "Ako pa talaga ang hinamon nyan ah" sabi ko sa kanya saka sya hinila sa mga rides. "The last time na pumunta tayo ng amusement park tumaksa ka sa pag sakay sa roller coaster” sabi nya sakin kaya natawa ako “Ibang usapan naman kasi ang roller coaster” sabi ko sa kanya at dinala sya papunta sa isang ride na alam kong nakaka-enjoy pero nakakatakot din sakyan "Ikaw na lang kaya mo na yan" sabi nya sakin kaya tumawa ako "Hoy bumawi ka naman sakin sa mga naitulong ko sayo sira ka" sabi ko sa kanya at hinila sya para sumakay sa Anchors Away, sabay kaming sumakay na dalawa at hindi ko mapigilan na matawa sa facial expression nya “Wag mong sabihin na natatakot ka?” tanong ko sa kanya dahil hindi pa naman nagsisimula ang ride “I’m not” sagot nya sakin “Sabi mo yan ah” sabi ko sa kanya at nagsimula ng umandar ang ride “Shout if you want, nakakawala ng sama ng loob to” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at sumabay kaming sumigaw sa mga kasama namin sa rides ng pataas na ng paatas ang pag swing nya at ng matapos ang ride, tawa kami ng tawang dalawa na parang tanga "Babawi ako tara sa roller coaster" sabi nya sakin "Hoy Paul Joshua sira ka ba! hindi ako sumasakay dyan" sabi ko sa kanya saka naglakad palayo."Pwes ngayon sasakay ka" sabi nya sakin habang hila hila ko papunta sa roller coaster ride at ang ending wala akong nagawa kung hindi sumakay din kaya pagkababa namin galing sa ride ung puso ko naiwan yata don. "Bwisit ka" inis na sabi ko sa kanya saka sya pinag hahampas sa braso. "Eto naman wag ka ng magalit dyan tara na lang don ikukuha kita non" Sabi nya sakin saka ako inakbayan at dinala sa mga booth."Ano gusto mo dyan?” tanong nya sakin “Ano yan pampalubag loob dahil sa ginawa mo?” tanong ko sa kanya at inirapan sya “Sabihin mo na kung ano ang gusto mo!” sabi nya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay "Bakit kaya mo bang kunin?" tanong ko sa kanay "Ako pa ba kaya dali na ituro mo na" sabi nya sakin at dahil mapilit ang loko itinuro ko nga ang gusto ko "Yon oh" sabi ko sa kanya sabay turo ng Puppy na stuff toy na nakasabit don."Watch and learn" sabi pa nya kaya naman natawa ko pero and ending nakakailan na sya pero wala pa din. "Wag mo kong pagtawanan They" sabi nya sakin kasi pinagtatawanan ko sya "Watch and learn pa nga" sabi ko sa kanya "Ma'am icheer nyo po kasi ung boyfriend nyo" sabi nung babae sa booth "Ate hindi ko po sya boyfriend" natatawang sagot ko sa babae "Ideny daw ba ko" sabat naman nya "Sira mag laro ka na nga at siguraduhin mong makukuha mo yon" sabi ko sa kanya “I-cheer mo kasi ako para ganahan naman ako” sabi nya sakin kaya inirapan ko sya “Sige na go!” sabi ko sa kanya at pagkatapos ng ilang try pa at awa naman nakuha nya din, kaya ayon ang loko sobrang saya. "See! sabi ko sayo makukuha ko eh" sabi nya "After ilang try nakuha mo nga" sabi ko saka tumawa "Thank You" sabi ko sa kanya "Wala yon para sayo after all ang dami mong naitulong sakin" sabi nya sakin saka umakbay ulit sakin kaya tiningnan ko ang kamay nyang naka-akbay sakin "Last ride na tara sa Ferris wheel" sabi nya sakin at nag lakad na kami papunta don ng naka-akbay pa din sya sabay kaming sumakay ng ferris wheel at tiningnan ang magandang view ng paligid mula sa taas. Dahil palubog na ang araw ang ganda ng view "Hey take some photo" sabi ko sa kanya at inabot ang cellphone ko para mag papicture at yon nga ang ginawa nya. "tayong dalawa naman" sabi nya sakin at parehas kaming nag pose sa harap ng kamera at ngumiti, sa pangatlong pagkakataon inakbayan nya ulit ako kaya napatingin ako sa kanya at ganon din sya sakin sabay non ay ang pag flash ng camera. Nang makatapos kami sa ferris wheel nagyaya na kong umuwi sa kanya dahil baka abutin kami ng gabi sa daan. “Thank you for today They” sabi nya sakin ng asa sasakyan kami “Ako nga ang dapat mag thank you sayo dahil naging masaya ang araw na to” sabi ko sa kanya at ngumiti “Ikaw ang nagpasaya sakin They sa lahat ng nagawa mong tulong sakin, you even pursue Faith just to get back with me” sabi nya sakin kaya nanlaki ang mata ko “How did you know that?” tanong ko sa kanya “Faith told me that you talk to her about our relationship” sabi nya sakin kaya napayuko ako. “Thank you They for all of your hard work, thank you for staying by my side” sabi nya sakin at hinawakan ako sa kamay. “Wala yon, ang importante maging masaya ka” sabi ko sa kanya “I will do the same to you, mahalaga ka sakin They” sabi nya sakin at ngumiti. Medyo late na akong nakarating sa bahay pero alam ko naman na hindi magagalit sila mama dahil nag paalam ako na aalis ako ngayon. "Thank You" sabi ko ulit sa kanya habang bitbit ang aso na nakuha nya "Kanina ka pa Thank you ng thank you sakin eh ako nga ang dapat magpasalamat sayo” sabi nya sakin kaya napangiti na lang ako “Thank you sa puppy na to, un ung ibig kong sabihin” sabi ko sa kanya "Wala yon" sabi nya sakin at ngumiti "Pumasok ka na" sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at lumabas na ng kotse nya at ganon din sya “See you sa school” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya “Ingat sa pag da-drive” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin saka sumakay na sa kotse nya at umalis. Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay "Mukang may nag enjoy ah" nagulat ako ng may biglang nag salita pag pasok ko "Mama naman" sabi ko sa kanya dahil nagulat ako sa kanya "Kamusta date?" tanong nya sakin habang nakangiti "Ma baka marinig ka ni papa saka anong date sinasabi mo?" tanong ko sa kanya "Bakit hindi ba yon date?" tanong nya sakin "Hindi po saka kaibigan ko lang si Paul" sabi ko kay mama. Kaibigan ko nga sya pero itong nararamdaman ko parang hindi na kaibigan lang "Sabi mo yan, sige mag bihis ka na at kakain na tayo" sabi nya sakin kaya tumango ako. Agad akong umakyat at inilagay sa higaan ung bigay ni Paul katabi ung teddy bear na bigay nya non. Nag bihis na ko at bumababa para kumain."Mukang kakauwi lang ng anak ko" sabi ni Papa sakin "Kakauwi nga lang galing ng date" sabi ni mama sakin "Mama!" sabi ko sa kanya “Pa wag kang maniwala kay Mama" sabi ko sa kanya "Kumain na tayo" sabi lang ni papa saka tumawa. Pagkatapos naming kumain umakyat agad ako sa taas para mahiga. sakto naman na tumawag si Paul "Ano kailangan mo?" Tanong ko sa kanya kasi kanina lang magkasama kami "Natutulog ka na ba?" tanong nya sakin "Kung natutulog ako hindi ako sasagot sa tawag mo sira ka" sabi ko sa kanya."Mainit na naman ulo mo" sabi nya sakin "Ano ba kailangan mo?" tanong ko sa kanya "Wala lang" sabi nya sakin kaya napailing na lang ako sa kanya "Matutulog na ko bye na wala ka naman pa lang sasabihin eh" sabi ko sa kanya “Meron pero pag nakita na lang tayo sa school bukas may ipapakilala ako sa inyo” sabi nya sakin na ikinakunot ng noo ko. “What are you talking about?” tanong ko sa kanya dahil may kakaiba akong nararamdaman sa sinabi nyang ipapakilala daw nya. “Pagnakita-kita na lang tayo” sabi nya sakin at base sa boses nya parang ang saya nya “Sige” sabi ko sa kanya "Good night" sabi nya sakin kaya ibinaba ko na ang tawag nya. Natulog akong yakap yakap ang stuff toy na nakuha ni Paul kanina. Masaya ako dahil maayos na kami ng mga kaibigan ko at masaya din ako para kay Paul dahil naayos na nya ang buhay nya at bumabalik na ang dati nyang sigla. Pero kailangan ko na din na dumistansya sa kanya ngayon para hindi na matuloy ang namumuong pagtingin ko sa kanya dahil ayokong maulit pa ang nangyari noon na nasaktan lang ako. Ginawa ko naman ang lahat pero wala din nangyari, sana lang sa huli hindi ako ang masaktan sa mga ginagawa ko na to sa sarili ko. Simula pa kagabi pumasok na sa isip ko na dumistansya na ako kay Paul bago pa lumala tong bahagyang nararamdaman ko dahil sa huli alam kong ako lang din ang magiging talo kaya bago pa mahuli ang lahat lalayo na ko."They kanina pa malalim ang iniisip mo parang hindi ka namin kasama ngayon!" Napatingin ako kay Ate Lynn na nag salita at naglapag ng kape sa harap ko. "Wala may iniisip lang para sa activity natin” Pagsisinungaling ko sa kanila at ininom ang kape na dala nya.
Asa isang cafe kami ngayon ni Ate Glai at Leth para ayusin ang project namin "Di ako naniniwala They! Kilala ka namin kaya sabihin mo na ano ba yang gumugulo sa isipan mo?" Tanong ni Leth sakin "Wala! Pag usapan na lang natin ang plano natin para sa project dahil bago mag last festival kailangan maipasa na natin to” Sabi ko sa kanila at umayos ng upo saka nagsimulang mag lista pero biglang inagaw ni Ate Lynn ang hawak kong notebook at ballpen. "Ate Lynn!" Reklamo ko sa kanya. "May problema ka eh! sabihin mo saking kung ano ba yang bumabagabag sa isip mo at kanina ka pa may malalim na iniisip" sabi nya sakin pero umiling lang ako "Wag mong intayin na ako pa ang magsabi They! Ano nga ang problema?" Tanong nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako! Makulit si Ate Lynn at talagang hindi sya titigil hanggang hindi nya ko napapaamin. "I was thinking of keeping my distance away from Paul, ate Lynn!" Wala ng paligoy ligoy pa na sabi ko sa kanya, tiningnan nya lang ako ng nakataas ang kilay at malaunan ay may sumilay na ngiti sa mga labi nya. "Why?" Tanong nya pero alam kong alam na nya ang dahilan ko kung bakit. She knows me well, kaya alam kong sa ngiti nya kanina may alam na sya. "Ate Lynn alam kong alam mo na!" Sabi ko sa kanya at napayuko na lang. "I did warn you right! Ung pagiging close nyong dalawa na biglaan sabi na eh may ibang meaning na yon” sabi nya sakin "Ate Lynn kaya nga didistansya ako! Ayokong masira ang pagiging magkaibigan namin ni Paul." Sabi ko sa kanya "Alam ko pero kaya mo bang pigilan yan? Pag yan tumibok mahihirapan ka na!" Sabi nya at itinuro ang puso ko! Tumitibok na nga eh."Kaya nga didistansya na! Nagawa ko naman na ang dapat kong gawin! Asa tabi nya ko lagi, I even do a lot of things for him at ayoko na ate Lynn kasi unti unti kong nararamdanan na may kirot! Masaya ko pag kasama ko sya pero hindi dapat!" Pag amin ko sa kanya. Ang bilis ng mga pangyayari at hindi ko alam kung paanong umabot ako sa puntong nagkagusto na ko sa kanya! "Hindi naman kasi mahirap mahalin ung tao at alam kong kaya ka nahulog sa kanya dahil nakilala mo kung sino nga ba talaga sya!" Sabi nya kaya tumango ako."If you’re afraid of ruining the friendship between you and him don’t be dahil hindi pa naman natin alam malay mo may gusto din sya sayo” sabi sakin ni ate Lynn kaya napabuntong hininga na lang ako "I'm not expert of giving some advises about love pero sabi nga ni They follow your heart it will make you happy!" Sabi ni Leth sakin at tinapik ako sa braso “I can’t fall in love with him” sabi ko sa kanila “They naman wala na sila ni Faith and this is your chance” sabi sakin ni ate Lynn pero umiling ako “I will not lie to you anymore na wala akong nararamdaman sa kanya pero may mga bagay talaga na hindi pwede” sabi ko sa kanila “They if you have feelings for him sabihin mo sa kanya kasi malay natin gusto ka din pala nya diba” sabi ni Leth sakin “HE deserves someone else” sabi ko sa kanila “They if you love him tell him please bago ka magsisi sa huli” sabi nila sakin kaya napabuntong hininga ako “I don’t know” sabi ko sa kanila “We can see in your eyes that you have a feelings for him pero They ano ba kasi ang pumipigil?” tanong ni Leth sakin “Kung ung pagkakaibigan mo ang iniisip mong dahilan na masisira bakit parang hindi yon ang nakikita namin?” tanong ni ate Lynn sakin kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanila “May mga bagay lang na ayoko ng maulit pa” sabi ko na lang sa kanila at bumuntong hininga.
If I will fall in love again, I don’t know if I can still stand the pain anymore.