Chapter 12

3058 Words
Chapter 12 Her POV Nabitawan ko ang hawak kong tubig at tiningnan sya, after how many years ngayon ko lang sya ulit nakita at parang walang nagbago sa kanya. “They” tawag sakin ni Kaye kaya napalingon ako sa kanya at hinawakan nya ko sa kamay “Did you know?” tanong ko sa kanya at bahagya syang tumango “Kelan pa Kaye? Alam din ba ni Ej?” tanong ko sa kanya dahil mukang ako lang ang nagulat sa aming tatlo o kahit na samin ni Ej “Oo, alam ni Ej dahil nasabi ko sa kanya at nalaman nga daw nya sa coach nila” sabi nya sakin kaya napatayo na lang ako “They” tawag nila sakin dahil bigla akong tumayo “I need to go somewhere” sabi ko sa kanila at umalis, hindi naman ako pinigilan ni Kaye. Lumabas ako ng gym at napabuntong hininga, Bakit kailangan bumalik ng nakaraan ko? Bakit sila bumabalik ngayon? Hindi pa ba sapat ung iniwan nila kami at ngayon bumabalik ulit sila! “They, anong problema?” tanong ni Paul kaya nilingon ko sya at pilit na ngumiti sa kanya “I just want to leave” sabi ko sa kanya at naglakad palayo pero pinigilan nya ko at hinawakan nya ko sa kamay “Saan ka pupunta?” tanong nya sakin “Kahit saan basta malayo dito” sabi ko sa kanya kaya hinila nya ko at dinala sa kotse nya “If you want to leave then sasama ako sayo, sasamahan kita” sabi nya sakin kaya tumango ako at sumakay sa kotse nya. “Saan mo gustong magpunta?” tanong nya sakin “Hindi ko alam, gusto ko lang mag isip” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin at nagsimula ng magdrive. Hindi ko alam kung saan nya ko dadalin dahil ang importante sakin mawala sa isip ko lahat ng ala-alang bumabalik. Nag drive lang sya sa kung saan at bigla nyang inihinto ang sasakyan kaya lumabas kami parehas. “Nagpupunta ako dito pag gusto kong mag-isip” sabi nya sakin at dinama namin parehas ang ihip ng hangin. Asa isang burol kami malayo sa siyudad, sa ingay ng mga sasakyan at sa magulong kapaligiran. Sumandal kami sa hood ng kotse nya at pumikit lang ako. Bakit parang ramdam kong pinagkaisahan nila ko ngayon? Lalo n ani Ej. Bakit hindi nila sakin sinabi na uuwi sila na andito pala sila? “They pwede mo kong sabihan ng problema mo” sabi ni Paul kaya napadilat ako at nilingon sya. “I’m just shock” sabi ko sa kanya at napabuntong hiniga “I can see that pero bakit?” tanong nya sakin “Hindi lang siguro ko handa ngayon na makita ang mga taong naging parte ng nakaraan ko” sabi ko sa kanya kaya kumunot ang noo nya. “Hindi kita maintindihan dahil wala akong alam sa nakaraan mo o kahit na ako sa nangyayari sayo” sabi nya sakin, tama sya wala nga talaga syang maiintindihan dahil hindi naman nya alam ang buhay ko. Hindi katulad ng buhay nya halos alam ko na ata lahat sa kanya. “I’m not the type of person who tells my past to someone” sabi ko sa kanya “I’m not just someone, They” sabi nya sakin at hinawakan ako sa kamay kaya bahagya akong natigilan sa ginawa nya at agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at lumayo ng bahagya. “Let’s just say may mga taong umalis ng wala man lang pasabi tapos bigla na lang babalik ng parang walang nangyari” sabi ko sa kanya “It’s been years since they all left us without saying goodbye tapos ngayon andyan sila na parang walang nangyari” sabi ko pa sa kanya “Maybe they left without saying goodbye because they are still coming back” sabi nya sakin “Leaving without saying any words is means saying you will never return” sabi ko sa kanya at napabuntong hininga. “What did they do to you?” tanong nya sakin “Wala naman silang ginawa sakin” sabi ko sa kanya “Eh bakit ganyan ka mag react kung wala naman pala silang ginawa sayo?” tanong nya sakin at tama sya don. “Hindi lang ako sanay na bigla na lang silang nawala” sabi ko sa kanya. Hinarap nya ko “They may iba ka pang dahilan at may tinatago ka sakin” sabi nya kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya “Wag na nga natin pag-usapan to pwede” sabi ko sa kanya “Hindi habang buhay maiiwasan mo yan They” sabi nya sakin at tumango ako sa kanya. Alam ko yon na hindi ko maiiwasan ang mga bagay na to habang buhay “For now Paul iiwasan ko muna” sabi ko sa kanya “Hanggang kelan They?” tanong nya sakin kaya tiningnan ko sya at nagsalubong ang tingin naming dalawa “Hanggang kaya ko pa Paul” sagot ko sa kanya “Bakit hindi pa ngayon” sabi nya sakin at umiling ako sa kanya saka sya tinalikuran “I can’t Paul, hindi pa ngayon ang oras” sabi ko sa kanya “They sabi mo sakin kailangan ko ng acceptance at yon ang ginawa ko, ngayon siguro dapat ibalik ko sayo ang sinabi mo sakin. They face them” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako at pumikit. Can I really face them? Lalo na sya pag umuwi sya? Napayukom na lang ako ng kamao ko at naramdaman kong hinawakan ni Paul ang kamay ko kaya napadilat ako at tumingin sa kanya “You can move on if you accept things Althea Annibelle” sabi nya sakin at ito ang unang beses kong narinig sya na tinawag ako sa pangalan ko. Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya “Let’s go back” sabi ko sa kanya na ikinangiti nya at sumakay na kami parehas sa sasakyan nya pero bago nya paandarin ang kotse nya tinawag ko sya “Paul one day I will tell everything to you” sabi ko sa kanya at ngumiti “I will say by your side and listen just like what you did to me” sabi nya sakin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Ngumiti kami sa isa’t isa at hinayaan lang na magkahawak ang kamay naming dalawa sa buong byahe. Gumaan ang pakiramdam ko dahil andyan sya para damayaan ako na hindi ko naman inakalang gagawin nya para sakin. Bumalik kami sa school na dalawa at naabutan namin ang mga kaibigan namin na asa labas ng gate ng university kaya nagtinginan kami ni Paul at tumango sya sakin saka pinatay ang sasakyan nya. Nauna syang bumana at sumunod ako sa kanya “Saan kayo nagpunta?” tanong ni ate Lynn samin at nilapitan ako “I just accompany They to think” sagot ni Paul kaya tumingin sila sakin “What happened earlier They? Bakit bigla ka na lang umalis?” tanong ni Aih at inintay nila ang magiging sagot ko “Oo nga para kang nakakita ng multo kanina” sabi pa ni Leth “I just need to think and sort things out” sabi ko sa kanila. Hindi nila kasama si Ej dahil paniguradong sila ang kasama nya ngayon. “How was the game?” tanong ni Paul sa kanila para mawala ang antensyon sakin “Our team won of course!” sabi ni Aih kaya napatango kami “By the way They, gusto kang makausap nila Ej asa loob pa sila ng gym ngayon pero kasama nya ung bagong player ng kabilang team at may iba pa silang kasama” sabi ni Pol sakin kaya tiningnan ako ni Paul. “Sige, puntahan ko lang sila” sabi ko sa kanila “They are you sure?” tanong naman sakin ni ate Lynn na para bang nahulaan na ang nangyayari “Oo naman” sagot ko sa kanya kaya binitawan nya ang kamay ko. “We will be here if you need us” sabi sakin ni ate Lynn pero umiling ako sa kanya “You should leave, mag ce-celebrate pa kayo” sabi ko sa kanya “Paano ka?” tanong nya sakin “I can manage” sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanila. “Call or text us They, asa tamabyan lang kami at kung makakahabol kayo ni Ej punta kayo” sabi ni Pol kaya tumango ako sa kanya at naglakad na papasok sa loob at sila naman ay umalis na. “They” tawag sakin ni Paul kaya nilingon ko sya “Call me as soon as possible” sabi nya at tumango ako “Oo, wala naman masamang mangyayari sakin. Kakausapin ko lang sila saka andon naman si Ej” sabi ko sa kanya “Kahit na, tawagan mo pa din ako” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at pumasok na sa loob ng university kung saan konti na lang ang tao. Hinahanda ko ang sarili ko habang naglalakad ako papunta sa gym at ng makarating na ko sa harap nito bumuntong hininga muna ko bago pumasok sa loob at lahat sila napatingin sakin ng pumasok ako. Wala ng tao dito at ang natira na nga lang ay sila Ej kaya lumapit ako sa kanila “They” tawag sakin ni Ej at ni Kaye kaya ngumiti ako sa kanilang dalawa saka hinarap sila “Long time no see” sabi ko sa kanila na seryoso ang muka. “This is the way on how you will welcome us They?” tanong nya sakin kaya mapait akong ngumiti sa kanya “What should I do? Mag pa confetti pa dahil bumalik kayo?” tanong ko sa kanila “They!” tawag sakin ni Ej pero hindi ko sya pinansin “Let him Ej, she needs to voice it out” sabi ni Kaye at tinapik ako sa braso. “After three years with no communication and not even saying any words noong umalis kayo eto ngayon kayo sa harap namin ni Ej na parang walang nangyari!” sabi ko sa kanila “Akala ko ba magkakaibigan tayo pero bakit umalis na lang kayo bigla kung kelan kailangan ko din kayo?” tanong ko sa kanila “They we need to go that time” sabi sakin ni John sakin “Even without saying any words to us?” tanong ko sa kanya “We did not intended to do that They” sabi naman ni Tyler sakin “tatlong taon kayong nawala ni Hi o Hello hindi nyo kami na chat ni Ej lalo ka na Patricia, we were close pero umalis ka din noong mga panahon na sobrang kailangan ko ng kaibigan na masasandalan” sabi ko sa kanila at tiningnan si Patricia. Umalis silang tatlo na wala man lang paalam samin ni Ej noong mga panahon na sobra akong nasaktan at kailangan ko sila bilang mga kaibigan ko pero iniwan din nila ko tulad ng pag iwan nya sakin noon. Only Kaye have the guts to contact us pero sila wala. “I’m sorry They for leaving you behind that time” sabi sakin ni Patricia at akmang lalapitan ako pero umatras ako. “Don’t go near me please” sabi ko sa kanya kaya natigilan sya “They naman” sabi nila sakin kaya bumuntong hininga ako “Give me one good reason kung bakit nyo ginawa yon at kung bakit kayo andito ngayon?” tanong ko sa kanila “We left because we needed to at kaya kami andito ngayon ay para humingi ng tawad sayo at ng maayos ang lahat. We miss you guys” sabi ni Patricia sakin “Something happened back then na kinailangan naming umalis, hindi namin alam na sa pag alis pala namin may nangyari palang hindi maganda. I’m so sorry They for leaving you behind and not contacting you for the past years” sabi naman ni John “I cannot disclose the information pero hindi namin kayo nakalimutan, hindi nga namin nagawang tawagan o mag message man lang sa inyo we always remember you” sabi naman ni Tyler sakin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila kaya napabuntong hininga na lang ako “They accept their apology” sabi naman ni Ej sakin at inakbayan ako. “It’s time They” sabi ni Kaye sakin at inakbayan din ako. Tiningnan ko ung tatlo na nakatingin din sakin kaya naglakad ako palapit sa tatlo “Never do that again to me dahil hindi ko na talaga kayo mapapatawad” sabi ko sa kanila at niyakap naman nila kong tatlo “We miss you They” sabi nila sakin. “I did miss you too guys” sabi ko sa kanila at ngumiti. Naupo kaming anim sa may bleacher at nag-usap usap “They sinabi samin ni Ej ang nangyari kanina noong umalis ka” sabi ni Tyler kaya nag angat ako ng tingin sa kanya “Kaya alam namin na talagang galit ka dahil tulad nga ng sinabi mo kung kelan kailangan mo kami saka kami nawala ng sabay sabay” sabi naman ni Patricia at niyakap ako. “I never imagine that he would do that to you” sabi naman ni John “Wala din ba kayong naging contact sa kanya?” tanong ko sa kanila “Kahit nga sabay sabay kaming nawala, hindi namin sya makontak kahit ngayon” sagot sakin ni Tyler. Pito kaming magkakaibigan na simula bata pa lang magkakasama na hanggang high school pero nung nagsipag-college kami bigla na lang naglaho ng parang bula sila Tyler, John at Patricia kaya noong mga panahon na nasasaktan ako wala sila sa tabi noong ginawa nya sakin ang masakit na bagay na yon. I cannot even say his name because the pain is still in my heart even though it’s been three years since he left. Nauna nga syang umalis kesa sa tatlo pero ung pag alis nya mas masakit sa ginawa nila Patricia dahil noong umalis sya sobra nya kong sinaktan. “Let’s just not talk about the past anymore” sabi ni Ej kaya tumango ako sa kanya “Nga pala congrats Ej dahil nanalo daw kayo, super inspired ka dahil andito si Kaye” sabi ko sa kanya “Hindi talaga kita matalo” sabi naman ni Tyler at umiling kaya natawa kami. “Bakit hindi ka na lang dito nag aral?” tanong ko sa kanya “Parang hindi nyo naman kilala si Dad, even though I want to be with the same university with you guys I can’t because he want me to study to his alumni school” sabi nya kaya napatango kami “Kayong dalawa anong balak nyo?” tanong ni Kaye kila Patricia at John. “Well dahil graduating na tayo and umuwi na nga kami for good, inaasikaso ko na ung mga requirements para sa paglipat ko at dito ako mag aaral” sabi ni Patricia kaya napangiti ako “I already enrolled with Tyler” sabi naman ni John kaya napatango ako. “Mukang bantay na naman ako ng dalawang to ngayon dahil wala kayo dito” sabi ni Ej kaya natawa kami “Actually kasama si Kaye” sabi ko sa kanya at ngumiti “Hindi naman katulad nyo tong girlfriend ko” sabi ni Ej kaya natawa kami sa kanya ng yakapin nya si Kaye. “Hoy wag kayong ganyan may mga single dito” sabi ni Patricia at inakbayan ako. “Tara na nga lang at i-celebrate natin ang pagkapanalo ni Ej” sabi ko sa kanila at nagsitayo na kami. “Saan tayo?” tanong ni Patricia sakin “Kila They na lang tayo ngayon, Tita would be glad to see you guys” sabi ni Ej at napatango naman ako. Lumabas na kami ng gym pero paglabas namin napahinto ako “Paul what are you doing here?” tanong ko sa kanya at nilapitan sya “I just want to check on you” sabi nya sakin “I’m fine, Okay na ang lahat” sabi ko sa kanya “I’m glad that you already accept it” sabi nya sakin at ngumiti ako sa kanya “I just thought it would be the right choice and it is” sabi ko sa kanya “Ehem!” sabi ni John kaya napalingon ako sa kanila. “Oh right! Guys I would like you to meet Paul kaibigan namin ni Ej well classmate sya ni Ej. Paul si Tyler, John and Patricia” sabi ko at ipinakilala sya sa mga kababata ko. “Nice to meet you” sabi ni Paul sa kanila “Same here” sabi naman ng tatlo. “Ej congrats” sabi ni Paul kay Ej “Sa inyo din” sabi naman ni Ej sa kanya “Mukang may lakad kayo, I better go. I just check on you” sabi nya sakin “You can come if you want” sabi ni Ej sa kanya at tumingin naman sakin si Paul “Sa bahay lang naman kami at kung gusto mo pwede naman to know them more” sabi ko sa kanya pero umiling sya “This is your time with them, babalik na lang ako sa tambayan dahil tumakas lang ako para tingnan kung okay ka” sabi nya sakin kaya napatango ako. “Sige, thank you” sabi ko sa kanya “I will pick you up tomorrow” sabi nya sakin kaya tumango ako at umalis na.  May lakad nga pala kami bukas “Something fishy” sabi ni Patricia sakin kaya napailing ako. “Don’t think too much magkaibigan lang kami saka kakagaling lang nung tao sa break up” sabi ko sa kanya “They don’t let history repeat itself, hindi nga sa dating tao pero wag naman na sa iba” sabi naman ni John kaya napabuntong hininga ako at sumakay sa kotse nya dahil hinayaan na namin na mag solo sila Kaye at Ej. “I’m not falling for him” sabi ko sa kanila. “They he seems to be a good guy” sabi ni Patricia sakin “He is at malapit kami sa isa’t isa” sabi ko sa kanila “We can see that, kung hindi mo nga ipinakilalang kaibigan iisipin ko talaga boyfriend mo na” sabi naaman ni Tyler. “I’m not into that” sabi ko sa kanila “If you have a wall on your heart because of what happened three years ago They it’s time to break it” sabi naman ni John kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko. “Be honest to us They, the way we see in your eyes when you talk to him the wall you created is at the peak of collusion” sabi ni Patricia sakin “Tulad nga ng sinabi nyo don’t let history repeat itself at yon ang ginagawa ko” sabi ko sa kanila “They the history that we are talking about is not about stopping you to fall in love again, we are talking about the thing you should done ahead of time in the past” sabi ni Tyler “Don’t hold your feeling like what you did in the past. You where late that time and things happened kaya ngayon They do not let it happen again” sabi naman ni John sakin na sinang-ayunan ni Tyler at Patricia. Natahimik ako sa sinabi nila, nahuhulog na nga ba talaga ako kay Paul? Sa mga nagdaanan na lagi kaming magkasamang dalawa at sa mga panahon na bigla na lang akong may nararamdaman na kung ano dito sa puso ko talaga nga bang nabubuwag na ang pader na ginawa ko para hindi ako magmahal ulit? Does Paul slowly entering my heart without me knowing it or I just let it happen? I’m confuse right know. I’m my falling in love again? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD