"Kumusta naman ang pagbabahay-bahayan?" Napatingin ako kay Myles. Day-off naming tatlo ngayon, at nasa isang coffee shop kami. "Myles..." saway dito ni Peachy. "Come on, Peachy. Siguro naman dapat nang malaman ni Xyrene na all the while, alam na natin ang sikreto niya. Nila ni Yoseph," galit na sabi nito. Hindi ako nakasagot. Caught unaware ako. "Ang akin lang naman, hayaan na natin si Xyrene. Matanda na ‘yan. Alam na niya ‘yung ginagawa niya," sagot naman ni Peachy. "Sa tingin mo, alam pa ba talaga niya ang ginagawa niya? Sabi niya isang taon. Isang taon lang ang kailangan niyang experience sa pagna-Nurse para makalipad na siya papuntang Amerika. Tapos na ang isang taon. Sa tingin mo makakaalis pa ‘yan? Lubog na lubog na siya sa kumunoy na siya rin ang may gawa," sagot ni Myles. "