CHAPTER 60 - ONE-ON-ONE

1790 Words

Sa coffeeshop sa lobby ng condo ni Yoseph kami humantong ni Mrs. Montenegro. Pinabigay ko na lang iyong dala kong pasalubong para kay Yanis, at hindi na ako nagpakita dito. Bilin ko kay Mrs. Montenegro na huwag nang sabihin sa bata na nasa labas lang ako. May tinawagan din si Mrs. Montenegro para paakyatin at samahan si Yanis sa unit nila. "Anong gusto mo? Hot coffee? O frappé?" tanong nito sa akin. Gusto ko sana ng hot coffee, baka-sakaling mawala ang panlalamig ng katawan ko. Pero baka rin naman lalong tumindi ang nerbiyos na nararamdaman ko ngayon sa hot coffee. "’W-Wag na po..." Ayoko rin kasing magtagal pa ang magiging pag-uusap namin. Para saan pa ba? "Ha? Baka naman awayin tayo dito sa store kapag hindi tayo bumili ng pagkain nila. Sandali...." sagot nito, sabay tayo mula sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD