May inaasikaso akong customer nang narinig kong tumunog iyong wind chime ng pintuan sa shop. Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang pumasok sa oras na ito. "Mommy Xyrene!" Nilingon ko si Yanis na suot pa ang school uniform niya. Ilang buwan na rin na ganito ang set up namin ni Yanis. Pagkatapos ng pasok niya sa eskwelahan ay sa shop na siya hinahatid ni Yoseph. "Ay! Ang tagal ko nang customer dito sa shop mo, akala ko dalaga ka pa. May anak ka na pala...” komento ng isang customer sa shop. Ngumiti lang ako dito. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanya. “Ang cute ng anak mo," sabi naman ng kausap kong customer ngayon. "Sandali lang po. Aasikasuhin ko lang iyung bata," paalam ko dito, at saka hinila na si Yanis. "How's school?" tanong ko dito, habang binubuksan ang mga