"’Nay, alis na muna ako, ha. Bibisitahin kita uli." "’Wag na alis, Se-rene (Xyrene)...." malungkot na sabi nito. "’Nay... nandiyan lang ako sa malapit. Wala kasing magbabantay sa shop natin," pambobola ko dito. "Babalik ka?" parang batang tanong nito. "Oo naman, ‘Nay! Dadalhan kita uli ng meryenda bukas. Anong gusto mo?" tanong ko dito. "Ummm? Stapeti!" masayang sabi nito. "Spaghetti? Sige" pag-uulit ko na nakangiting tinanguan nito. "Pakabait ka lang, ha? Susunod ka kay Ate Linda," bilin ko dito. "Linda. Bait," sabi nito, sabay turo ni Nanay sa caregiver niya na nasa tabi niya. Napangiti ako. Mabuti naman at mabait si Ate Linda. Kasundo siya ni Nanay. "Alam ko, ‘Nay. Mabait talaga si Ate Linda, kasi raw… mabait ka rin. Ipamasahe mo mamaya iyang braso mo kay Ate Linda bago ka m