"Now, speak!" Iyon agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa kuwartong pinasukan ni Yoseph. Napalunok ako. Paano ko nga ba uumpisahan? Nag-practice naman ako ng sasabihin ko sa kanya. Pero tila nakalimutan ko na lahat iyong mga dapat kong sabihin. "Pano ba?" wala sa sariling nasabi ko, habang nakatingin ako sa kamay kong magkadaop-palad. Ganito pala ang pakiramdam kapag nahuhuli ka sa akto. "I'm waiting..." sabi ni Yoseph na may pagka-inip sa himig ng boses niya. "Sandali lang naman! Ito naman... hindi ko nga alam… paano uumpisahan," natatarantang sabi ko, at saka ko naihilamos ang kamay ko sa mukha ko. "Start with why you know Reggie," masungit na sabi nito. "Hindi ba pwedeng maupo muna tayo? Kanina pa nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba..." sabi ko, na may halong pagsusungit n