Napagkasunduan namin ni Mrs. Montenegro na sa gabi, bago matulog ko na lang kausapin si Yanis. Ayaw ko na kasing magkita pa kami ni Yoseph kinabukasan. Wala na akong mukhang maiharap sa kanya, at sa pamilya niya. Hapunan na, at may dumating na ngang mga bisita. Mga kaibigan daw ng pamilya nila Yoseph. Mga matatalik na kaibigan daw ni Mr Montenegro ‘yung mga padre de pamilya ng tatlong pamilyang dumating. Katabi ko sa mesa si Yanis. Susulitin ko na ang gabing ito na makasama ko ang anak ko. "Mommy, gusto ko pa ng chicken," sabi ni Yanis. Agad akong kumuha ng chicken na nasa tapat ko, at saka inilagay sa plato ni Yanis. "Nag-asawa ka na?" narinig ko na tanong ng babaeng katabi ni Yoseph. Nasa kabilang side sila ng mesa sa kabilang dulo. Mabuti nga iyun, at baka hindi ako makakain kun