CHAPTER 66 - MOMMY

1728 Words

Nang mag-alas otso na ng gabi ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko sa mesa. “Mauuna na talaga ako sa inyo, ha. Kailangan ko talaga kasing makausap si Yanis ngayong gabi.” “Aw… ang sarap pa ng kuwentuhan dito, Xyrene, aalis ka na?“ sabi ni Zaekah. Kimi akong ngumiti. “Oo, eh… kailangan…” “Bukas na lang uli, Xyrene. Join us. Hindi pa naman kami aalis bukas,” nakangiting sabi naman nung Hyacinth. Nginitian ko siya. “Thank you. Pero baka hindi n’yo na ako makita bukas. Maaga akong aalis bukas. Ayaw kong magpang-abot pa kami ni Yoseph bukas.” “Alam mo, Xyrene… kung ano mang problema n’yo ni Yoseph, ayusin n’yo na lang. Naaawa ako kay Yanis. Ngayon ko lang nakitang ganun kasigla iyung batang ‘yon.” Nilingon ko si Cassandra, pagkatapos ay isa-isa ko silang tiningnan. Kita ko ang lungkot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD