Nagpatuloy pa rin si Yoseph sa maharot na pakikipag-usap niya. Naiinis man ako ay wala naman akong magawa. Isa pa, wala naman akong karapatang magalit. May kanya-kanya na kaming buhay, at tulong niya lang ang ipinunta ko dito, at wala nang iba. Naisipan kong ituloy na lang ang pagpunta sa CR. Bahala na kung maisipan ni Yoseph na layasan ako, o pagtaguan ako. Pwede rin naman na sa labas ng opisina niya na lang muna ako, at mamaya na lang ako papasok kapag tapos na siyang makipaglandian, este… makipag-usap. Bitter ka, Xyrene? Isinukbit ko na ang strap ng bag ko, at saka tumayo na para maglakad papunta sa pintuan ng kuwarto niya. Lalabas na muna ako, at doon na lang ako magsasabi sa staff niya na kasama ko kanina, na pupunta muna ako ng CR. “Yes, Miss Perez? Where are you going?” narin